Mindanao Youth Games sa Tubod-Lanao Del Norte

Sa puso ng Mindanao, isang lalawigan na dating kasingkahulugan ng labanan ang ngayo’y bumubuo ng bagong pagkakakilanlan, isa na itinayo sa kompetisyon, pagkakaibigan, at ang makapangyarihang pagbabago ng palakasan.

Habang nagpeprepara ang Lanao del Norte na maging host ng unang Mindanao Youth Games sa Marso 17–21, 2027 kasama ang Philippine Sports Commission, nakahanda na ang entablado para sa isang matapang na muling pag-iisip ng hinaharap nito mula sa isang hindi pinapansin na lalawigan patungo sa isang pangunahing destinasyon ng palakasan.

Sa ambisyong ito matatagpuan ang Mindanao Civic Center Sports Complex, isang malawak na pasilidad na may sukat na 66 ektarya sa Tubod.

Ipinagmamalaki nito ang FIFA-certified football pitch, World Athletics-standard track and field oval, Olympic-size na swimming pool, gymnasium na may kapasidad na 5,000, at mga lugar para sa archery, tennis, combat sports, at weightlifting.

Sa lalong madaling panahon, isang baseball/softball diamond ang itatayo na may suporta rin ng PSC at Philippine Amateur Baseball Association.

“Sa tingin ko, mayroon kayong pinakamagandang pasilidad sa sports sa bansa. Baka hindi mo ito napapansin, pero talagang world-class ito,’’ pahayag sa Ingles nitong Biyernes ni PSC Chairman John Patrick Gregorio, giniit ang potensyal ng lalawigan.

Ang kumpleksong ito ay hindi estranghero sa kasaysayan. Noong 2003, ito ay naging host ng Palarong Pambansa, na nagpapatibay sa reputasyon bilang lugar na kayang magsagawa ng mga pambansang kaganapan. Ngayon, sa mga na-upgrade na pasilidad, handa itong tumanggap ng mga kompetisyon na mas malakihan pa, kabilang ang Batang Pinoy sa 2028 at, posibleng, isa pang Palarong Pambansa.

“Mare-realize ng mga tao na hindi lang kami nagho-host ng mga kaganapan sa Maynila. Pumupunta kami sa labas ng Metro Manila, sa Visayas, at sa Mindanao. Ang pokus din ay ang pagpapaunlad ng mga regional training center. Kapag nag-upgrade ka ng mga pasilidad sa mga lalawigan, ito rin ay isang pagkakataon upang maging host,” hirit ni Gregorio.

Tampok sa Mindanao Youth Games ang mga pinakamahusay na batang atleta na may edad 18 at pababa mula sa anim na rehiyon ng Mindanao upang makipagkumpetensya sa hindi bababa sa 12 disiplina ng sports

“Ang pagho-host na ito ay isang pangarap na magiging realidad para sa aming lalawigan,” lahad ni Lanao Del Norte 1st District Rep Imelda Dimaporo. “Sana isaalang-alang ng ating mga kababayan at ilagay ang ating lalawigan sa kanilang bucket list. Ito ang lupain ng kagandahan at kasaganaan kung saan makikita mo ang kapayapaan, at kung saan ang mga tao ay mainit at magiliw.”

Ang mga Laro ay hindi lang pagpapakita ng talento kundi ng isang tagapagpasimula ng paglago ng ekonomiya, turismo sa sports, at pag-unlad ng kabataan. Para sa Lanao del Norte, ito ang simula ng malaking pangarap na maging sentro ng sports tourism sa Mindanao.

Para kay Gob. Muhammad Khalid Dimaporo at at sa Kongresista, ang pamumuhunan sa sports ay higit pa sa imprastruktura. Ito ay estratehiya para sa kapayapaan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng paglikha ng kompetisyon mula sa hidwaan, binabago nito ang kuwento ng lalawigan at nagbubukas ng mga pintuan para sa turismo at pandaigdigang pagkilala. (Abante Tonite Sports)

The post Mindanao Youth Games sa Tubod-Lanao Del Norte first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments