GORGY RULA

Balak na ni Joed Serrano ng Godfather Productions, ang producer ng pelikulang Anak ng Macho Dancer, na magbakasyon sa Boracay dahil natiyak na niyang kumita ang pelikula sa premiere showing pa lang nito sa KTX.ph kagabi, Enero 30, 2021.

Ayon kay Joed nang nakapanayam ng writer na ito sa DZRH noong Biyernes, January 29, umabot na raw sa 114,000 tickets ang nabenta worldwide.

Joed Serrano

Bukod sa KTX.ph, mabenta rin daw ang film sa Ticketnet at Ticketworld.

Bukod pa riyan ay nagbenta rin daw ang boys ng naturang pelikula na sina Sean de Guzman, Ricky Gumera, Miko Pasamonte, Charles Nathan, at Mhack Morales.

"Nagbenta sila sa contacts nila, mga friends nila na ang iba, parang nag-block buy ba yun? Yung ibang bading, bumili ng bulto, humingi lang sila ng discount kasi ibebenta rin nila sa mga kagrupo nila,” saad ni Joed.

After 45 days daw ay makukuha na raw nila ang benta sa KTX.ph, kaya ngayon pa lang ay pinaplano na raw niya ang pa-blowout sa boys ng Godfather sa Boracay bilang pasasalamat sa kanila.

After Anak ng Macho Dancer, sisimulan na raw nila ang susunod na project ng Godfather na pinamagatang Kontrabida, na pagbibidahan ni Nora Aunor at ididirek ni Adolf Alix Jr.

"Kuwento ito sa showbiz, and first time na gaganap si Ate Guy na kontrabida," lahad ni Joed.

"Alam ninyo, ikaka-shock ninyo kapag malaman ninyo kung sino ang sasampal dito kay Nora Aunor. Maloloka kayo! Magugulo ang showbiz. Mawiwindang," excited na kuwento ni Joed.

May mga pangalan kaming hula, pero ayaw kumpirmahin ng producer.

Special participation lang daw nitong malaking star na first time na makakasama ni Nora, kaya tiyak na pag-uusapan daw ito.

"First time ever na magsama sila sa isang pelikula, at malaking-malaking artista ito. Kasinlaki niya sa pagiging bituin. Guest siya rito… malaki siyang bituin,” sabi pa ni Joed, na ayaw niya talagang sabihin kung sino ito.

Sino kaya ang hula ninyo, mga ka-Troiks?

JERRY OLEA

In less than six hours bago ang digital premiere ng Anak ng Macho Dancer, nagpaalala ang Godfather Productions.

Pakiusap ng produksiyon sa Facebook page nito, “Piracy is a crime. Please do not record the film partially or in full. This includes short clips shot on smartphone.

"Cum shots are fun. Cam shots are illegal."

Pagkatapos ng streaming, hindi pa man naghahating-gabi ay nagkalat na sa Twitter ang video clips na nag-frontal sina Sean de Guzman, Ricky Gumera, Miko Pasamonte at ilang ekstra.

Kapagkuwan ay may mga nagpapakalat na ng kabuuan ng pelikula, libre man o may bayad.

May nagbebenta sa halagang PHP100, na within 13 minutes ay nakabenta na raw sa siyam na suki kaya tumubo na raw siya sa puhunang PHP690, na bayad sa ticket niya sa KTX.ph.

Meron ding nagbebenta ng as low as PHP10. Kumbaga, quantity ang habol.

Naghuhumiyaw ang banta ni Joed Serrano sa Facebook, “WE WILL GO AFTER THESE BASTARDS! KUNG GAANO KAINGAY ANG PELIKULANG AND AY GANUN DIN MAG-IINGAY ANG MGA PANGALAN NITONG MGA NAGPIPIRATA!

"IT'S ABOUT TIME MATIGIL ITO! INAALISAN NYO NG TRABAHO ANG MGA NASA INDUSTRIYA! ALAM NYO NG MASAMA, GINAGAWA NYO PA!

"SIGE, I WILL USE MY MONEY & CONNECTIONS TO GO AFTER YOU! SALOT KYO SA LIPUNAN! SA MGA NAKAKAKILALA SA MGA LINTEK NA ITO NA NAGTATAGO, BE A GOOD SAMARITAN TO REPORT TO GODFATHER PAGE THEIR IDENTITIES TO US!

"REWARDS AWAIT TO THOSE WHO WILL REPORT!”

Pinost kapagkuwan ni Joed ang isang nagbenta via GCash, “LET'S START WITH THIS UNAUTHORIZED PERSON NA NAGBEBENTA AT MAY GCASH PA SYA! WE WILL TRACK U DOWN!

"SHIT KA! REWARD SA MAKAKAPAGSABI NG WHEREABOUTS NITONG LINTIK NA ITO!”

Ang bidang si Sean de Guzman, naghimutok sa Twitter, “Kayong mga namimirata ng pelikulang Pilipino, mga makikitid at kabobohan pinaggagawa niyo.

“Alam kong lahat tayo, dumadaan sa crisis ngayon na hindi lahat may trabaho pero sa mga namimirata, kayo din ang nagiging dahilan kung bakit madameng nawawalan ng trabaho at kita ang taong nagpakahirap at nagpaganda ng pelikulang pinipirata niyo!

“Kabagan sana kayo at Diyos na ang bahala sa inyo!

“Iisa-isahin namin kayong hanapin, mga ulupong!”

Sean de Guzman Twitter

Dagdag-paalala kapagkuwan ng Godfather Productions sa Facebook, “Piracy is a crime. We at Godfather Productions do not tolerate piracy and have reminded our viewers time and again to stream #AnakNgMachoDancer legally.

“Know that we are very serious in exposing and pursuing legal action on people who stream, record, and distribute our movie illegally.

“Please report illegal streams and links by messaging the Godfather Productions page or commenting down below. Let us support the industry by watching films on legit platforms. #NoToPiracy Thank you.” 

NOEL FERRER

No to piracy! No to theft! No to hate!

And no to exploitation!

Sa totoo lang, nabahala ako sa pelikula! It depicted exploitation?

But one question cropped up sa mga discussions after—wasn’t the film exploitative, too?

Gusto nating makabasa ng reviews sa much hyped Anak Ng Macho Dancer, iyong honest reviews na may matututunan tayo bilang manonood ng pelikulang Pilipino.

[ArticleReco:{"articles":["156336","156412","156410","156377"], "widget":"Hot Stories"}]