Hindi bolera kundi ‘futbolera’ ang swak sa anak ni NBA legend Dennis Rodman na si Trinity nang mapabilang sa National Women’s Soccer League (NWSL) draft.
Inanunsyo ng NWSL officials nitong Martes [Miyerkules, Manila Time] na opisyal nang nakapagrehistro ang anak ng alamat na basketbolista.
Mukhang tatargetin ni Trinity ang 1st-round pick dahil sa angking galing.
Sa katunayan, kasama rin ang dalaga sa US Youth national team na kumubra ng 2020 CONCACAF under-20 women’s title highlight ang 8 goals at 6 assists. (Aivan Denzel Episcope)
The post Anak ni Rodman pa-NWSL first appeared on Abante Tonite.
0 Comments