Inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Pilipino kung saan kumuha at magkano lahat ang pondong inilaan ng gobyerno para makabili ng bakuna laban sa COVID-19.
“Sabihin ko sa Pilipino kung saan tayo kumukuha ng pera. The significant updates of procurement and finance: vaccines – ang source, unprogrammed funds; foreign multilateral and bilateral loans; domestic loans. Nandiyan `yan naka-on deck na ‘yan,” pahayag ng Pangulo sa kanyang mensahe sa bayan Miyerkoles ng gabi.
“So it’s 70 million — 70 billion logistics and other supplies kukunin sa 2021 General Appropriations Act; DOH, 2.5 billion; and the Bayanihan 2 in relation to Republic Act 11502 on continuing approship — appropriation, 10 billion. Lahat-lahat mayroon tayong 82.5 billion para sa COVID,” pag-uulat pa ng Pangulo.
Kasabay nito, nagpasalamat si Pangulong Duterte sa mga tao at mga ahensyang tumutulong sa gobyerno para mabakunahan ang mamamayan laban sa COVID-19.
“Well, we cannot — we cannot remember everybody mentioned but sabihin ko na lang na magpasalamat ako sa inyo. It’s a big deal really for — for you to be conscious also of the problem and trying to give a helping hand,” aniya pa.
The post Digong binida P82B pang-COVID bakuna first appeared on Abante Tonite.
0 Comments