Ngayon Huwebes, January 7, 2021, ang opisyal na pagwawakas ng 46th Metro Manila Film Festival (MMFF) na nagsimula noong December 25, 2020.
Sampung pelikula ang kalahok sa 46th MMFF na napanood sa UPSTREAM.ph, ang transactional video on demand dahil sarado pa ang mga sinehang apektado ng coronavirus pandemic.
Extended hanggang sa January 14 ang streaming sa UPSTREAM.ph ng apat sa sampung pelikula na kasali sa December film festival kaya may pagkakataon pa ang mga hindi nagkaroon ng pagkakataong panoorin ang ibang entries.
Ang Tagpuan, Fan Girl, The Missing, at Coming Home ang apat na MMFF official entries na mapapanood sa UPSTREAM.ph hanggang sa January 14.
Tulad ng mga nakaraang festival, walang plano ang organizers na ilabas ang listahan ng mga pelikulang tinangkilik ng manonood, pati na ang opisyal na kinita ng 46th MMFF sa dalawang linggo na streaming nito sa UPSTREAM.ph.
[ArticleReco:{"articles":["155970","155968","155961","155957"], "widget":"Hot Stories"}]
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
0 Comments