Nagpapakiramdaman pa ang mga eligible na magpa-draft sa PBA.
Hanggang kahapon nasa anim pa lang ang nakakapagsumite ng application, ayon kay commissioner Willie Marcial.
“Mga January 20, dagsaan mga ‘yan,” wika niya. “Laging last minute mga ‘yan, alas-singko na ng hapon may nagbibigay pa. Lalo na ‘yung may mga pangalan, laging down the wire.”
Inihalimbawa ng opisyal si Terrence Romeo na nagpa-draft noong 2013, hapon na dumating sa tanggapan ng PBA sa Libis, QC. Fifth pick overall siya ng NorthPort.
Early birds sina Fil-Americans Jason Brickman, Jeremiah Gray, Andre Paras at Brandon Ganuelas-Rosser bagama’t hindi pa nakukumpleto ng huling dalawa ang kanilang supporting papers.
Nagdeklara ring magpapa-draft na sina Jarie Pingoy ng Adamson, ex-FEU Tamaraw Ken Holmqvist at Tyrus Hill ng La Salle.
Sa Jan. 29 ibibigay sa 12 teams ang listahan ng prospective draftees, pero ilalabas ng PBA ang lsitahan ng eligible Fil-Foreign applicants sa March 9 na, isang lingo bago magsimula ang two-day Draft Combine.
Naka-iskedyul sa March 14 ang Draft. (Vladi Eduarte)
The post Draft applicant madalang first appeared on Abante Tonite.
0 Comments