Born To Be A Star, magbabalik; Matteo Guidicelli, Kim Molina napiling hosts

Makalipas ang limang taon, muling ibabalik ng Viva Television at TV5 ang Born To Be A Star, ang reality-singing competition na may layuning makatuklas ng mga bagong mang-aawit.

Sina Sarah Geronimo at Ogie Alcasid ang former hosts ng Born To Be A Star na napanood sa Kapatid Network mula February 2016 hanggang May 29, 2016.

Para sa 2021 edition ng Born To Be A Star, ang asawa ni Sarah na si Matteo Guidicelli ang bagong host, kasama si Kim Molina.

Sina Sam Concepcion, Katrina Velarde, Teacher Georcelle Sy, at Andrew E. ang mga hurado.

Sa January 23, 7 p.m., ang primer airing ng Born To Be A Star.

Magsisimula naman sa January 30 ang search proper ng programang mapapanood tuwing Sabado, sa nabakanteng timeslot ng Masked Singer Pilipinas.

Napansin ang rapport at chemistry nina Matteo at Kim nang maging hurado sila sa Masked Singer Pilipinas kaya sila ang napiling mga host ng Born To Be A Star.

Malaki ang dapat ipagpasalamat ng dalawa dahil mula sa pagiging hurado, elevated sila bilang mga host ng nagbabalik-telebisyon na reality-singing competition ng Kapatid Network.

[ArticleReco:{"articles":["155940","155937","155932","155934"], "widget":"Hot Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Post a Comment

0 Comments