Game sa risk: Marielle Montellano, JM dela Cerna may ibinunyag matapos ang panalo

Nag-shine ang Star Magic artists at Your Face Sounds Familiar Season 4 grand winners na sina Marielle Montellano at JM dela Cerna sa ginanap na Star Magic Spotlight Press Conference.

Ibinahagi ng dalawang vocal powerhouses na kilala bilang “Birit Duo” ng season kung paano nagsilbing turning point ang mabusisi at matinding kompetisyon sa kani-kanilang career.

Para kay JM , higit pa sa panggagaya ng icons ang naging journey niya, naging isa itong mahalagang lesson sa pagkuha ng risks pagdating sa entablado. Kilala sa kanyang technical precision, inamin ni JM na tinulungan siya ng show na lumabas sa kanyang shell at yakapin ang mga hindi inaasahang hamon.

“Siguro yung pinaka-nakapagpa-realize sa akin is that the greatest risk is not taking any risk at all, ‘yun po yung napulot ko talaga after Your Face Sounds Familiar,” kwento ni JM nang tanungin tungkol sa pinakamahalagang aral na kanyang nakuha sa show.

Nakahanap naman ng mas malalim na purpose si Marielle sa pamamagitan ng kompetisyon. Bukod sa prosthetic makeup at mabusising costumes, natuklasan niya na ang tunay na puso ng bawat performance ay nakasalalay sa emotional connection sa audience.

“Being part of Your Face pushed me to become more intentional, not just with my music,” ani Marielle. “Hindi lang siya basta-basta na andyan lang ‘tas kakantahin mo as is. Dapat pala you put your heart into it, your soul, and how I connect with the audience as well, ”sabi niya.

Mula sa kanilang “iconic “Iconator” moments hanggang hirangin bilang grand winners ng YFSF, pinatunayan ng tambalang “JMielle” na isa silang multifaceted performers. Patuloy ang transformation ng Birit Duo sa kanilang upcoming concert na “JMIELLE: Sings The Icons” ngayong May 29 sa SM North EDSA Skydome.(Roldan Castro)

The post Game sa risk: Marielle Montellano, JM dela Cerna may ibinunyag matapos ang panalo first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments