Derek, Ellen nag-bonding sa Batangas

Kumpirmadong magkasama ang magkapitbahay na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa bakasyon sa Anilao, Batangas base na rin sa Instagram posts ng una.

Pero marami naman sila at kasama rin ng aktres ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Sa IG Story ni Ellen ay makikitang kasama rin nila ang kanilang mga set of friends at halatang nage-enjoy ang grupo sa kanilang bakasyon. May mga kuha sila habang namamasyal sa lugar, nag-iinuman, nagdi-dinner, nagha-hiking at iba pang aktibidades.

In one video ay makikitang nagkakatuwaan sila habang nag-iinuman. Si Ellen ang kumukuna ng video kung saan ay may close-up pa si Derek.

Sa naturang video ay ipina-pan ni Ellen ang camera sa mga gwaping na boys na kasama nila. Biro ni Ellen sa bawat guy, “eto, add to cart.” Pagdating kay Derek, sey ng aktres, “eto, nanakawin ko na, charot!”

May video rin kung saan ay makikitang nagsasalin ng rhum si Derek sa kanyang juice at tanong ni Ellen, “how is it? Yummy?”

Kaaliw rin ang isang video kung saan ay kinunan ni Ellen si Derek na labas ang dila na may bubble. Caption ng aktres, “pure talent @ramsayderek07.”

May mga larawan at videos din na ipinost si Derek pero kapansin-pansin na wala si Ellen sa mga posts niya kungdi puro friends niya ang kasama. In one photo ay makikitang nasa ilalim sila ng dagat with his friends.

Dahil dito, tiyak na lalo pang titibay ang hinala ng mga tao na may namamagitan sa kanila. Pero so far, wala pa naman kaming nakikitang pwedeng masabing they’re in a relationship dahil wala naman silang sweet photos together. Pwede rin naman talagang totoo rin ang sinasabi nila they’re friends lang talaga since magkapitbahay lang sila.

And if ever na sila naman, wala namang masama dahil pareho silang single ngayon.

@@@

Alden pinapalayas sa Sunday show

May mga bashers pala si Alden Richards na nagsasabing paalisin na raw sa All Out Sundays ang aktor dahil masyado na raw itong maraming show,Pagbigyan naman daw ang ibang talents ng GMA-7.

Ito ang laman ng recent IG post ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis. Aniya, ang dami raw insecure na fans ng ibang artista kay Alden dahil feeling daw ng mga ito ay sa aktor na napunta ang lahat ng blessings.

Pagtatanggol ni Nay Lolit, si Alden ang poste ng AOS at siyang dahilan kung bakit mataas ang ratings ng show.

“Hindi ba nila alam na poste ng All Out Sunday si Alden Richards na ito ang dahilan kung bakit mataas ang rating ng show at kung bakit tumagal ito?” sabi ni Nay Lolit.

Dagdag pa niya, masarap daw katrabaho si Alden bukod pa nga sa malakas ang hatak sa viewers.

Papuri pa ni Nay Lolit sa Asia’s Multimedia Star, “never mo makita o madama na apektado ng tagumpay niya si Alden, up to now mabait pa rin siya at magalang kaya naman tuloy tuloy ang suwerte niya.”

Kaya magsitigil na raw ang mga fan ng ibang artista dahil marami pa raw kakainis ang mga idols nila bago marating ang kinalalagyan ni Alden.

The post Derek, Ellen nag-bonding sa Batangas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments