Top 5 Korean actor na mataas TF

Puwedeng ikagulat ng ilang mga fan ang listahan ng Top 5 highest paid South Korean actors.

Ang listahan na ito ay inilabas ng wikitree ngayong January 2021. Masasabing kakaiba kumpara sa mga ibang naglalabasan.

Marami na rin ang nag-share ng list .Ang pinagbasehan ay ang mga Korean actors na sa loob ng ilang taon, nakatanggap ng malaking talent fee sa drama na nagawa nila.

Ang Top 1 ay ang actor na si Bae Yong Joon. Tumanggap siya ng 250 million won per episode sa drama na “The Story of the First King” or “The Legend.” Ang katumbas ng 250 million won sa U.S. ay $228,100.

Pwedeng marami ang magkuwestiyon sa inilabas na listahan na ito dahil last year, kahit kalagitnaan pa lang ng taon, may mga naglabas na ng Top 10. Si Kim Soo Hyun ang nanguna.

Pero base sa nai-publish na recent report na ito, si Bae Yong-Joon pa rin daw ang may hawak ng record na Korean actor na binayaran ng ganito kalaki per episode. Ang naturang drama ay noong 2007 pa at pinag-usapan talaga dahil nga sa laki ng TF ng bida. At kung ia-adjust man daw ito base sa inflation, mas malaki pa rin daw ang katumbas nito sa currency ngayon.

Sa ngayon, hindi na ganoon ka-aktibo si Bae Yong-Joon sa pag-arte. Bukod sa The Legend, minahal din siya ng mga fan sa drama na Winter Sonata at Dream High. Si Bae Yong-Joon ay President na ng Key East Agency. Ilan sa mga artist nila ay sina Jisoo, Moon Ga Young. Kim Dong Wook at iba pa.

Top 2 naman si Song Joong Ki na ang balitang natanggap na talent fee sa Arthdal Chronicles ay 180 million won per episode or $164,232 U.S.

Malaking factor ang popularidad ng drama niya na Descendants of the Sun . Although, kumpara sa naging success ng Descendants of the Sun at sa laki ng cost ng productions ng Arthdal Chronicles, sinasabing ang resulta at pagtanggap ng mga manonood ay hindi naging kasing-tagumpay sa Descendants.

Top 3 ang actor na si Lee Byung Hun para sa drama niya na Mr. Sunshine. tumanggap siya ng 150 million won o $136,886 per episode.

Ang Mr. Sunshine ay isa sa itinuturing na biggest K-drama ng nakaraang dalawang taon. Ang drama rin na ito ang nagsilbing comeback ni Lee Byung Hun sa Korea pagkatapos ng halos sampung taon. Considered as an international star pagkatapos niyang makagawa ng ilang pelikula sa Hollywood kabilang na ang G.I. Joe, Terminator at iba pa.

Top 4 ay ang tinaguriang Triple Threat Star ng Korea na si Lee Seung Gi sa nakaraang drama niya na “Vagabond.” Balitang ang talent fee na tinanggap daw nito ay nasa 120-130 million won o $109,515- $118,668 per episode.

Among the list of Top 5 actors, hindi nawawala sa kahit anong listahan bilang isa sa highest paid actors si Seung Gi.

Hindi rin naman nakapagtataka na bayaran siya per episode ng ganito kalaki lalo na at hinintay talaga siya ng production.Bukod-tanging choice nila para gumanap sa karakter ni Cha Dal Geon.

Top 5 is Lee Jong Suk sa drama na While You We’re Sleeping. Although, sa report na lumabas, pareho lang ang talent fee na diumano’y tinanggap nila ng Top 4 na si Lee Seung Gi, pero sa ganitong ranking sila inilagay.

Isa si Lee Jong Suk sa mga Hallyu stars na kilala internationally at marami rin mga tagahanga hanggang sa labas ng Korea. Ang While You We’re Sleeping ay isa rin sa mga K-drama na mainit na tinanggap domestically and internationally.

Sa isang banda, wala pa kaming alam na South Korean actor o actress na nagkumpirma ng mga talent fee nila na lumalabas. Kung legit nga ba o actual talent fees na natatanggap nila.

Pero ang sigurado, totoong malalaki ang natatanggap ng mga ito, lalo na ang mga sikat at nakapag-establish na ng kanilang mga pangalan sa South Korea at international din.

The post Top 5 Korean actor na mataas TF first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments