Mahihirapan na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas kung huhugutin alinman kina Stanley Pringle o Christian Standhardinger sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.
Papasok pa sa kategoryang naturalized player ang dalawa.
Isang naturalized player lang ang pinapayagan ng FIBA sa bawat torneo.
“We talked about that, it might be difficult,” ani SBP president Al Panlilio. “People in the bubble are the candidates to play in the third window.”
Kinansela ng SBP ang hosting ng qualifying sa Clark bubble sa Feb. 17-22, magtatakda pa ang FIBA ng lugar na sasalo rito.
Kahit si Ateneo big man Ange Kouame ay hindi na rin kakayaning ihabol sa third window.
Umaasa si Panlilio na sa Asia Cup sa Indonesia sa August ay puwede na ang Ivorian. Nakikipag-ensayo si Kouame sa team para magamay ang sistema at players.
Nasa Inspire Sports Academy pa rin ang Gilas pool, patuloy na nagsasanay sa Calambubble.
“It’s good for the pool to just practice and be together,” dagdag ni Panlilio, kinatawan din ng Meralco sa PBA Board. (VE)
The post Stanley, Christian bomalabs sa Gilas first appeared on Abante Tonite.
0 Comments