Dahil sa pagiging 2020 Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) M2 World Championship at $140K (P6.7M) cash prize na nakamit ng Bren Esports nito lang Linggo, maraming Pinoy ang naeenganyo ngayong pasukin ang pagiging professional gamer.
Isa ang volleyball star na si Marck Jesus Espejo, na nagbiro sa Twitter na gusto na niyang pumasok sa mundo ng Esports.
“Gusto ko narin mag Pro ML. Paki adopt po ako pls haha,” sambit ng five-time University Athletic Association of the Philippines (UAAP) MVP at naglarong import na sa mga liga sa Japan, Thailand at Bahrain sa nakalipas na tatlong taon.
Nagpatikim pa ang 23-year-old, 6-foot-3 at Marikina native, na gustorin niya magpalit ng pangalan sa Mobile Legends at maging ‘MarckTzy’.
Dalawa sa mga pangmalakasang player ng Bren ang tandem nina David ‘FlapTzy’ Canon at Karl ‘KarlTzy’ Nepomuceno, na nag-tournament MVP pa ng M2 World Championship.(Ray Mark Patriarca)
The post Espejo papalit ng pangalan, sport first appeared on Abante Tonite.
0 Comments