Inihatid ngayong Linggo ng umaga, January 10, 2021, si Christine Dacera sa kanyang huling hantungan sa Forest Lake Memorial Park sa General Santos City.
Kontrobersiyal at nababalot ng misteryo ang pagpanaw ng 23-year-old flight attendant noong January 1, kaya sinubaybayan ng media at ng sambayanang Pilipino ang imbestigasyon, pati na ang live coverage ng paglilibing kay Dacera.
Baon ni Dacera sa himlayan nito ang katotohanan tungkol sa tunay na dahilan ng pagkamatay niya.
Samantala, desidido ang kanyang mga naiwang kaibigan na patunayan na inosente sila sa kasalanang ibinibintang laban sa kanila.
Inilunsad ilang oras bago libing ni Dacerna ang Fund the Truth, ang fund drive nina Rommel Galido, JP Dela Serna, Clark Rapinan, at Valentine Rosales dahil kailangan nila ng pera na panggastos para mga kasong kinakaharap.
Sina Rommel, JP, Clark at Valentine ang mga kasama ni Dacera sa huling sandali ng buhay nito sa City Garden Grand Hotel sa Makati City, at kabilang sila sa mga isinasangkot sa pagkamatay ng kanilang kaibigan.
Sa interbyu sa singer na si Claire dela Fuente, sinabi nito na kailangan ng pera ng apat na respondents, na mga kaibigan ng kanyang anak na si Gigo de Guzman na idinadawit din sa nangyari kay Dacera. Para raw ito sa litigation.
Inilunsad nina Rommel, JP, Clark at Valentine ang Facebook page na #FundTheTruth na may layuning makalikom ng pera mula sa mga taong may mabubuting kalooban dahil gagamitin nila ang mga donasyon sa pagtatanggol sa kanilang mga sarili.
Inilahad ng "Fab Four" sa Facebook page ng #Fund The Truth ang bawat dahilan sa kanilang kahilingan na mabigyan ng financial assistance.
Ang paliwanag ni JP, "I’m about to lose my job and my savings now is 0 because of the expenses that we’re facing as of the moment and incident that happened. That’s why we are seeking for support not only for me but for my friends too who got affected. We are all innocent and we are fighting for the truth."
Ikinuwento ni Rommel na nawalan siya ng tinitirhan dahil sa coronavirus pandemic at sa pagkakasangkot niya sa kaso.
"I lost my apartment due to this incident and the pandemic. It’s even harder for me because I still need to support my family back in the province. I can’t go back to work at this moment that’s why I am asking for support, not only for me but also to my fellow victims. We are innocent. We stand for the truth,” ang sentimyento ni Rommel.
Hindi rin makapagtrabaho si Clark dahil natatakot ito na lumabas ng bahay.
May kinalaman ang pangamba ni Clark sa pabuya na alok ng mga pulitiko para sa sinuman na makapagtuturo sa mga kinaroroonan ng mga idinadamay sa pagpanaw ni Dacera.
"I cannot work at this moment. It’s so hard to go outside because of the bounty, and also mentally traumatizing for us. We deeply appreciate all the help of any amount. We are innocent. We stand for the truth. Thank you so much,” ang pahayag ni Clark.
Binati naman ngayon si Valentine ng "happy birthday" ng mga kaibigan, pero tiyak na hindi siya masaya sa araw ng kanyang kaarawan dahil sa malaking problema niya.
"My birthday wish is that all of this mess, issue, and trial will be over soon, and justice and truth to be served for everyone who deserves it. Thank you for the greetings, prayers and support.
"I lost my job due to this incident and since it’s pandemic, the situation made it much harder to keep up with my finances. It’s hard to step out of the house knowing that a bounty has been placed on our lives in exchange for our freedom when we didn’t even commit any crime.
"Any financial assistance would be appreciated but not required as long as it comes from the heart.Thank you,” ang pakiusap ni Valentine.
Nagmarka sa isip ng publiko si Valentine dahil sa kanyang sinabi na niyaya siya ni Dacera na lumipat sa Room 2207, na kinaroroonan ng ibang mga respondents, pero ayaw niya dahil "napansin namin yung mga tao dun sa 2207, wala naman guwapo 'tapos parang mga may age na. Bakla pero may mga edad na. So sabi ko, dun na lang tayo sa kabila [Room 2209], wala naman pogi dito. Wala po akong kilala at alam ko, matatandang bakla…sorry sa term."
Ngayong nangangailangan ng financial assistance ang apat na respondents sa misteryosong pagkamatay ni Dacera, pagkakataon na ng matatandang bakla na hindi guwapo na ipakita ang suporta, pagmamahal, at pang-unawa nila sa kapwa miyembro ng LGBTQ community, sa kabila ng hindi sinasadya na pangungutya ni Valentine sa kanilang pisikal na itsura.
[ArticleReco:{"articles":["156000","155983","155971","155981"], "widget":"Hot Stories"}]
0 Comments