Bumalik si Giannis Antetokounmpo mula isang larong pagliban para pamunuan ang Milwaukee sa 121-99 pagpulbos sa Orlando sa 2020-21 NBA regular season game sa Amway Center sa Florida nitong Lunes.
Bukod sa iniindang back injury, nilabanan din ng reigning two-time MVP ang foul trouble sa second half.
Nakaharabas si Antetokounmpo sa fourth quarter para tumapos ng 22 points para iangat ang team sa 7-5 win-loss record at makaungos sa biktima na may 6-5.
“At the end of the day, I had five fouls, but I was just trying to play the game, go downhill and get my teamamtes involoved,” anang Greek Freak na may 6 rebounds at 4 assists pa.
Nagdagdag si Khris Middleton ng 20 pts. at 10 rebs. para sa Bucks, may 20 markers din si reserve Bobby Portis.
Garahe na sa season si Markelle Fultz dahil sa knee injury, binitbit ng 28 points at 13 rebounds ni Nikola Vucevic ang Magic. Nagsumite si Aaron Gordon ng 21 points at 8 assists sabay ng solidong depensa kay Antetokounmpo. (Vladi Eduarte)
The post Giannis, Bucks dinikdik Magic first appeared on Abante Tonite.
0 Comments