Ginebra legend parang si Lillard

Nasorpresa si sports analyst TJ Manotoc nang mabanggit ang isang PBA legendary import sa laban ng Houston Rockets kontra Portland Trail Blazers sa 74th NBA regular season game sa Toyota Center sa Texas nitong Huwebes.

Sa tweet ni Manotoc, nagulat aniya siya nang mabanggit ni SportsCenter shoutcaster Neil Everett ang pangalan ni Billy Ray Bates, na dating naglaro PBA para sa Crispa Redmanizers at Ginebra San Miguel.

“My jaw just dropped when I heard @SportsCenter Neil Everett drop a Billy Ray Bates reference for Logo Lillard,” ayon kay Manotoc.

Si Bates ang isa sa mga astig na naglaro sa unang Asia’s play-for-pay hoop kung saan nagwagi ng tig-apat na kampeonato at Best Import award noong 1983-88.

Bago mapadpad sa Pilipinas, naging NBA journeyman siya sa pagsusuot ng jersey ng Trail Blazers, Washington Bullets at LA Lakers. (Ray Mark Patriarca)

The post Ginebra legend parang si Lillard first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments