Umapela kahapon ang General Parents’-Teachers’ Association (GPTA) sa ilang konsehal sa Caloocan City na mag “move-on” na sa halip na mag-imbento ng mga isyu laban kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan.
Tinukoy ng GPTA sina Councilor P.J. Malonzo at Rose Mercado na pawang pinatalsik sa partido ni Malapitan.
Sinabi ni GPTA president Jasper Basmayor na “bitter” pa rin ang dalawa sa aksyon ni Malapitan kaya’t pati ang mga ipinamahaging tablet sa mga Grade 9 – Grade 12 na mag-aaral sa siyudad ay kinuwestyon.
Giit ni Basmayor na walang depekto at maayos na nagagamit ng kanilang mga anak ang mga tablet.
“Nakakaduda lang na noon ay proud sila na makakapagbigay ng tablet ang city govenment, nang alisin sila sa partido, nag-ingay na sila. Bitter pa rin ba kayo Councilor Mercado at Councilor Malonzo?” giit nito.
Sinuportahan din ng Schools Division Office (SDO)-Caloocan ang GPTA at nilinaw na walang sira ang mga tablet na gawa ng Cherry Mobile na pag-aari ng Cosmic Technologies.
“Custom-model ng Cherry Mobile ang mga tablet. Ginawa sila para sa specific na kailangan ng DepEd Caloocan. They are 4G and LTE-ready kahit na 3G lang ang karamihang nasa market ngayon. Ang ibig sabihin ay mas mataas pa ang kalidad ng ibinigay na tablet ng Lungsod ng Caloocan sa amin kumpara sa requirement ng DepEd. May inissue rin na certification ang DepEd na compliant tayo sa requirements ng tablet,” ayon kay SDO-Caloocan officer-in-charge Dr. Nerissa Losaria.
Nagpapasalamat aniya sila kay Malapitan dahil nagkusa itong tulungan ang DepEd para sa pag-aaral ng mga bata kahit hindi naman ito ipinag-uutos ng pamahalaan.
The post Grupo ng mga magulang, umalma sa 2 Caloocan councilor first appeared on Abante Tonite.
0 Comments