Mga hukom binalaan vs TRO sa DPWH korapsyon

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag pakialaman ng mga hukom ang ginagawang paglilinis laban sa mga kurakot sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang ahensya ng gobyerno.

Ayon sa Pangulo, asahang may masasagasaan pang mga opisyal at tauhan ng DPWH sa ginagawang paglilinis sa mga tiwali rito.

Inaasahan na rin umano ng Pangulo na dudulog sa korte ang mga masasagasaan ng kanyang gagawing paglilinis kaya nagbabala ito sa mga hukom na huwag mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) dahil mapapahiya lamang ang mga ito.

“If you want a clean government, judges, if you are with us, do not, unless it is a compelling reason that if buhay mo ang nakataya, huwag kasi mag-aaway tayo. It’s either I will not allow you to stop it. Mapapahiya ka, bubulyawan pa kita in public,” babala ng Pangulo. (Aileen Taliping)

The post Mga hukom binalaan vs TRO sa DPWH korapsyon first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments