Gun-ah tinik ng Gilas sa Asia Cup

Ipapadala ng South Korea ang A-Team na pamumunuan ni Ra Gun-ah sa 30th International Basketball Federation (Fiba) 2021 Asia Cup qualifier third & last window sa Angeles Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga sa February 18-22

Ang 31-year-old, 6-foot-8 center/forward USA-born ang naturalized player sa kasalukuyan ng Koreans. Siya’y naging import din ng Star Hotshots (Magnolia Hotshots Pambansang Manok na ngayon) sa 2017 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup kung saan tumapos sa Final Four ang team.

Si Gun-ah ang magiging sakit ng ulo ng Gilas Pilipinas (3-0) sa next month Angeles City bubble hoopfest na rito’y hangad ng Nationals na ma-sweep ang last three games, dalawa kontra mga Koreano (2-0) at isa sa Idonesia (1-2).

Kailangan lamang ng Philippine men’s basketball team ng isang panalo upang makasungkit ng puwesto sa tournament proper sa Jakarta sa August 16-28.

Kaya nais din ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) na makabuo rin nang malakas na koponan sa muling pag-asa sa PBA para sa torneo.

Nasa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna na ang Gilas Cadet para sa bubble training kasama sina PBA star Kiefer Isaac Ravena at kandidato sa naturalization Angelo Kouame. Susunod ang iba pang PBA players sa papasok na linggo. (Lito Oredo)

The post Gun-ah tinik ng Gilas sa Asia Cup first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments