Libreng turo, sapatos kaloob ni Thompson

Nagmistulang isang Local Government Unit (LGU) na namimigay ng ayuda si Philippine Basketball Association (PBA) star Earl Scottie Thompson sa isinagawa niyang programang libreng training basketball lesson ay pamimigay pa ng sapatos.

Pinaskil ng Barangay Ginebra San Miguel player sa latest YouTube vlog niya ang proyektong ‘#GiveBack Train with Scottie’ kung saan dadayo siya sa ilang mga barangay at tuturuan ang ilang kabataan na mag-basketbol.

Bukod sa hoop clinic, may pa-bonus pang sapatos sa mga kalahok ang 27 taong-gulang, may taas na 6-1 combo guard mula sa Padada, Davao del Sur at produkto ng Perpetual Help Altas.

Layunin ng beteranong basketbolista na mabigyang inspirasyon ang mga batang

maihulma ang pangarap na maging manlalaro rin gaya niya. (Aivan Denzel Episcope)

The post Libreng turo, sapatos kaloob ni Thompson first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments