Ginawang medikasyon ni former Philippine SuperLiga (PSL) star Gretchen Ho ang pagbibisikleta sa sakit ng katawan.
Sa social media account Miyerkoles ng 30-anyos, 5-4 ang taas at tubong Maynila na dalaga, todo pedal siya sa UP-Diliman campus habang naka-full biking gear.
“Body update: parang nagwork yung pagbibisikleta ko kahapon at nawala yung sakit ng katawan ko today,” pahayag ng dating Petron Blaze Spikers volleybelle.
Bago ito, nasiko at nasugatan sa kamay ang balibolista ng kapwa ABS-CBN reporter Jorge Carino nang makita niya sa mall ang beteranong mamamahayag at biruin niya ng holdap sa likuran.
Siniguro ni Ho kay Carino na nasa mabuti na siyang kalagayan mula sa ‘di intensiyong pananakit ni Carino.
“Okay na ako @jorgecarino. Don’t worry na,” panapos niya. (Aivan Denzel Episcope)
The post Ho padyak ang gamot first appeared on Abante Tonite.
0 Comments