Ilang oras bago ang opisyal na pagbubukas ng pagbabalik ng sesyon ng Senado nitong Lunes ng hapon, naispatan si Senadora Camille Villar na pumasok sa opisina ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.
Sa ulat ni Dexter Ganibe ng Abante Radyo, dumiretso si Villar sa kuwarto ni Cayetano na napabalitang nagpatawag ng caucus sa mga miyembro ng Senate minority. Tumagal lang ito ng ilang minuto at lumabas din pero hindi nagpaunlak ng interview sa reporter.
Si Villar ay miyembro ng majority bloc kaya iniintriga ang pagdalo nito sa pulong ng minority.
Ayon sa kanyang staff, naimbitahan lang ang senadora para sa munting salo-salo na inihanda ni Senador Cayetano.
Kinumpirma naman ni Cayetano na nagpatawag siya ng meeting para pag usapan ang hakbang ng minorya para sa impeachment at ilang isyu pero hindi umano natuloy dahil kulang sila sa numero.
Nauna rito ay nagbabala si dating Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na posibleng mabuhay ang kudeta sa Senado kapag umakyat na rito ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
The post Camille Villar naispatan sa kuwarto ni Alan Cayetano first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments