Pormal nang winelcome ng Kapamilya network si Janine Gutierrez sa ABS-CBN!
Isang engrandeng welcome number ang inihanda ng ASAP Natin ‘To ngayong araw, January 24 para sa bagong Kapamilya.
Ngayong araw din nagsimulang mapanood sa TV5 ang Sunday musical show ng ABS-CBN.
Sa intro VTR sa multi-awarded star, sinabi niyang matagal na niyang pangarap at gustong maramdaman kung ano ba ang feeling na tawaging isang Kapamilya.
Kuwento ng 31-year-old actress-TV host, “I’ve always been excited to know what it's like to be a Kapamilya and I’m so thankful to ABS-CBN for giving me this opportunity.
“Gusto ko talagang mae-experience ang pagiging isang Kapamilya.”
Dagdag pa ni Janine sa VTR, nagpasalamat siya sa network sa bagong opportunity na ibinigay sa kanya.
Saad niya, “It’s a new year, a new house, new challenges, and new opportunities, and I’m so grateful for this opportunity at sa pag-welcome niyo sa akin bilang Kapamilya.”
Umaasa naman ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon na matupad na ng bagong lipat na Kapamilya ang lahat ng pangarap nito ngayong nasa ABS-CBN na ito.
Sabi ni Lotlot, “Hi anak, congratulations. Uy, Kapamilya na siya. Alam ko anak, nararamdaman ko na sobrang happy ka.
“I know also na aalagan ka nila diyan at talagang mamahalin.
“Ngayong Kapamilya ka na, alam kong lahat ng pangarap mo ay matutupad sa lahat ng tulong nila.”
“I’M SO THANKFUL AND GRATEFUL”
Sa kanyang production number, inawit ni Janine ang kanta ng Hotdog na “Panaginip.”
Sinamahan siya ng magagaling na mang-aawit na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Martin Nievera.
Sa panayam sa kanya nina Gary, Ogie, at Martin, sinabi niyang malaking utang na loob daw para sa kanya ang pagbibigay ng ABS-CBN ng pagkakataon na maging Kapamilya.
Pinag-usapan daw nila ito sa kanilang bahay.
Kuwento ni Janine, “Yes, opo, of course. My mom is doing a teleserye, Walang Hanggang Paalam, and Diego [Gutierrez], I watch him every Sunday.
“He’s so happy to be here with you guys and sinasabi nga niya, ‘Ate, sobrang bait nila lahat dun, sobrang mag-eenjoy ka dun, huwag ka kabahan.’
“Siya pa yung nagsasabi na 'Huwag kang kabahan.'
“I’m so happy to be here with all of you and thank you so much for the warm Kapamilya welcome.
“I’m so thankful and grateful and honored na kayo pa [Martin, Gary, and Ogie] ang kasama sa first time ko sa ASAP stage. Thank you so much.”
Isa raw ang ASAP Natin ‘To sa pinangarap niyang mapagtanghalan.
Lahad niya, “So many things. ASAP of course. ASAP is an icon and as I’ve said I’m so honored to be here with you guys.
“This is the first time I’ve been inside the Kapamilya studio.
“Surreal, parang panaginip talaga. I’m so happy that everything has fallen into place.”
Hindi na raw siya makapaghihintay pa na makatrabaho ang lahat ng Kapamilya.
Pagtatapos nito, “Sobrang exited ako na makatrabaho lahat ng Kapamilya, actors directors, staff.
“I’m so happy to be here. Lalung-lalo na makilala ko na nang husto ang mga Kapamilya sa buong Pilipinas at sa buong mundo.
“I can’t wait to spend the rest of the year with you guys.”
Nitong January 15, 2021 pumirma ng kontrata si Janine sa ABS-CBN matapos ang sampung taon nitong pagiging bahagi ng Kapuso network.
[ArticleReco:{"articles":["156274","156258","156151","156131"], "widget":"Hot Stories"}]
0 Comments