Sina Vice Ganda, Vhong Navarro at Jhong Hilario ang mga representative ng It’s Showtime sa telecast ng ASAP Natin ‘To sa makasaysayang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at TV5 na nangyari nitong Linggo nang tanghali, January 24, 2021.
Si Vice ang nanguna sa pasasalamat sa mga executive ng TV5 dahil simula ngayon, napapanood na ang ASAP Natin ‘To sa Kapatid Network—isang bagay na imposibleng mangyari sa Philippine television history pero natupad nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN.
“What’s up, madlang people, mga Kapamilya, at Kapatid? Maraming-maraming salamat po.
"Personally, I would like to say thank you very much. To PLDT and TV5 Chairman Mr. Manny V. Pangilinan, Cignal and TV5 President and CEO Mr. Robert Galang, maraming-maraming salamat po,” ang masiglang-masigla at masayang pasasalamat ni Vice sa big bosses ng TV5.
“Congratulations and thank you very much for making this milestone happen with ABS-CBN, Kapamilya, Kapatid!
“At kaya tayo nandidito, ang ganda, kasi di ba nag-merge? Inclusive di ba?
"Wala nang dibisyon, may TV5, may ABS-CBN, may Kapamilya, may Kapatid."
Hindi rin nakalimutan ni Vice na banggitin ang Kapuso Network (GMA-7) dahil sa kanyang heart-shaped red dress na suot.
Nag-isip tuloy ang televiewers kung sinadya o nagkataon lang ang ginawa ng It’s Showtime host para may dahilan siya na banggitin ang rival network ng ABS-CBN.
“Siyempre kaya ako nagganito… Kapuso... mga Kapatid mahal na mahal namin kayo!!” ang natatawa na sambit ni Vice habang ipinakikita ang kanyang damit.
“Sabi ko na, two plus five equals puso,” ang sundot na reaksyon ni Vhong matapos ipakita ni Vice ang outfit nito.
Ang sinabi ni Vhong ang nagpaalala sa publiko sa naging pahayag ni Joey de Leon nang lumipat sa GMA-7 ang Eat Bulaga noong 1995.
Nag-umpisa ang Eat Bulaga sa RPN9 noong 1979 at makalipas ang sampung taon, napanood sa ABS-CBN mula 1989 hanggang 1995.
Nang lumipat ang Eat Bulaga sa GMA-7 noong 1995, nagbitaw si Joey ng salita na naramdaman niya ang pagpapalit ng home network ng kanilang noontime program dahil nine minus two equals seven (RPN9 minus ABS-CBN2 equals GMA-7).
[ArticleReco:{"articles":["156148","154963","156258","156254"], "widget":"Hot Stories"}]
0 Comments