John Estrada pangarap na ma-produce ang movie kasama sina Goma, Tsong Joey, at Anjo ng Palibhasa Lalake

GORGY RULA

Na-enjoy na pala ni John Estrada ang pagla-line produce nitong bagong sitcom niya sa TV5, ang John en Ellen na magsisimula na ngayong Enero 24, Linggo ng gabi.

Ang boss ng Cignal Entertainment ang nagkumbinse raw sa kanya na siya na ang mag-line produce nitong sitcom dahil nabanggit na rin daw niyang meron na siyang production team.

Dito nabuo ng aktor ang Ichthys Productions kasama ang ilang kaibigan.

Nag-sorry si John sa amin dahil nagkamali raw siya sa pagkasabi noong nakaraang mediacon nito na ka-partner niya rito si Derek Ramsay.

Pero nandiyan daw ang suporta ng bestfriend niya.

“I’m so surprised, nae-enjoy ko siya,” bulalas ni John nang nakatsikahan namin sa DZRH noong nakaraang Biyernes, Enero 22.

“Sabi nga ni Boss Bong [Sta. Maria], alam ko, mai-enjoy mo iyan. Tama siya, nae-enjoy ko siya. At ang sarap mag-alaga ng mga tao, e. Lalo na kapag nakikita mong masipag sila, nagtatrabaho sila.

“So, 100%, ine-enjoy ko siya. At masasabi kong okey naman akong katrabaho,” sabi pa ng aktor.

Dahil sa kanyang production outfit, gusto na raw sana niyang ituloy ang isang movie project na pagsasamahan nilang magkakaibigan sa Palibhasa Lalake na sina Mayor Richard Gomez, Joey Marquez, at Anjo Yllana.

Matagal na raw nilang pinaplano ito pero hindi nagkakatugma ang schedule nila.

“Isang pangarap iyan. Isang ambisyon na magsama-sama kami uli,” pakli niya.

“Honestly, pang-Metro Manila Filmfest sana kami, e. Kaya lang, nagkataon ang dami na ring ginagawa.

“Bising-busy ang bestfriend kong si Mayor Goma. So, minsan, wala siyang time. Pero hopefully, in the years to come, mabubuo namin iyan. Sana, abangan ninyo iyan,” sabi pa ni John.

May mga naiisip na raw silang ideya pero kailangan daw nilang pag-usapan at planuhing mabuti.

Alay na rin daw nila ito sa namayapa nilang manager at tatay-tatayan na si Tito Douglas Quijano.

NOEL FERRER

Yan nga ang narinig ko, na kasama niya rin sa venture na ito si Sir Bong Sta. Maria na mabait naming boss sa TV5, na habang hindi pa natutuloy ang kanilang supposedly gagawing programa with Manila Mayor Isko Moreno, e, ito munang sitcom with John Estrada at Ellen Adarna ang ginawa.

Kilala ko ang staff, lalo na ang Executive Producer nito na si Faye Martel na respetadong guro rin sa UST, na in-charge din ng dating shows ni John sa TV5.

Aabangan ko ang kanyang pagmumulti-task dito dahil nag-cameo rin siya with speaking lines.

Aba, si Ma’am, artista na rin talaga!

At dahil highly successful ang mga family-oriented sitcoms tulad ng magtatapos nang Hoy, Love You ng alaga kong si Joross Gamboa kasama si Roxanne Guinoo (na malamang magka-second season), bukod sa John en Ellen, hindi malayong baka matuloy na rin ang matagal nang planong sitcom nina Ogie at Regine Velasquez-Alcasid!

Aabangan natin itong mga programang ito na magdadagdag-saya sa ating buhay.

JERRY OLEA

Anim na episode ang romantic comedy series ng JoRox na Hoy, Love You!

Nag-umpisa ang libreng streaming nito sa iWant TFC (app at website) noong Enero 18, Lunes ng 8:00 pm.

Gabi-gabi tuwing 8:00 pm ay may bagong episode na palabas hanggang Enero 24, Linggo.

Dama pa rin ng netizens ang kilig ng love team nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap.

Araw-araw na kasama sa trending topics sa Twitter Philippines ang official taglines of the day ng Hoy, Love You!

Sa TV5 kasi, kaabang-abang ang paglalandian at pagpapakilig nina Elijah Canlas at Miles Ocampo sa teleseryeng Paano Ang Pangako?

Level-up din ang harutan nina Kokoy de Santos at Maris Racal sa Stay-In Love.

Hopefully ay makapagpakilig at makapagpasaya rin sa televiewers ang tambalan nina John at Ellen.

[ArticleReco:{"articles":["155974","155917","155844","155026"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments