Training camp lolobo – Fernandez

Madaragdagan pa ang bilang ng mga national athlete sa Calamba bubble training camp (Calambubble) sa Inspire Sports Academy sa Laguna sa harap na namemeligrong muling maurong ang 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan July at 31st Southeast Asian Games saHanoi, Vietnam sa November.

Ito ang siniguro ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at Vietnam SEA Games Chef De Mission Ramon “El Presidente” Fernandez sa kabila ng iba’t-ibang pahayag ng International Olympic Committee (IOC) at Tokyo Organizing Committee sa kalagayan ng quadrennial sportsfest kaakibat ang Covid-19.

“We are just waiting for the approval of the IATF to allow our national athletes, especially to those that will compete in the SEA Games. Iyung iba kasi na sasali sa mga Olympic qualifying events ay nasa bubble na, pero itong mga SEA Games prospectsnatin, medyo late ng konti,” wika ng opisyal.

Hinirit pa Fernandez na nararapat na intindihin at ipagpatuloy ng mga atleta ang kanilang pagsasanay at paghahanda habang huwag na lang pansinin ang mga ulat na umaabala sa kanila.(Lito Oredo)

The post Training camp lolobo – Fernandez first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments