Julia Barretto admits she's "taken"; netizens ask: is her boyfriend Gerald Anderson? 

Inamin ni Julia Barretto na siya ay "TAKEN" o sa madaling salita ay mayroong karelasyon. 

Sa choices na "SINGLE" o "TAKEN," humiwalay si Julia sa mga kasamang single at saka tumapat sa sagot na siya ay taken.

Kaugnay ito ng TikTok video kunsaan nagbigay siya ng pahiwatig kung sino ang nagpapatibok ng kanyang puso. 

Kasama ni Julia sa video ang mga kaibigang sina Chie Filomeno, Issa Pressman, Aeriel Garcia, Bianca Pauline, Keiko Nakajima, at Shamee Sugui. 

Sa video, may makikitang dalawang choices na magpa-flash sa screen at kung anong sagot mo ay tatapatan mo ito. 

Sumunod nilang pinagpilian ay kung "PINOY" o "AFAM." Ang afam ay urban slang para sa salitang foreigner.

Ang isinagot ni Julia ay "AFAM" 

Mayroon din silang pinagpilian kung "OLDER" o "YOUNGER." 

Older guy ang isinagot ni Julia.  

Marami sa netizens na nakapanood ng video ang nagsabing si Julia na raw mismo ang nagpahiwatig na si Gerald Anderson ang tinutukoy niyang karelasyon. 

Pasok daw kasi si Gerald sa description na "AFAM" dahil Filipino-American ang binata.

"OLDER" din daw si Gerald kay Julia ng walong taon. Si Julia ay 23 years old, habang si Gerald ay may edad na 31.  

IS JULIA DROPPING HINTS ABOUT GERALD? 

Hindi kaila sa masugid na fans ni Julia na makailang-beses nang may pahiwatig ang dalaga tungkol sa lalaking malapit sa kanyang puso. 

Noong January 3, 2021, nag-post si Julia ng litrato na nakasakay siya sa passenger seat ng isang SUV kasama ng isang lalaki. 

Sa caption, ang tanging binanggit ni Julia ay ang kandong niyang puppy na ang breed ay St. Bernard. 

Hindi man kita ang mukha niya at ng lalaking nagmamaneho ng sasakyan, hinihinala ng netizens na si Gerald ang kasama ni Julia. 

Hindi raw kasi maikakaila na ang balbon na braso ng lalaki ay tulad nang kay Gerald.

Binansagan iyon ng ilang netizens na "jowa reveal" umano ng aktres.  

JULIA, GERALD, AND THE NEW PUPPY

Isa pang clue na napansin ng netizens ay may Instagram account ang St. Bernard puppy na pinangalanang Amari. 

May handle iyon na @amarithestbernard. 

Parehong naka-follow sina Julia at Gerald sa Instagram account ni Amari. 

Ngayong Linggo, January 10, makikitang may first picture roon si Julia kasama ng kanyang alagang aso. 

Ni-repost iyon ni Julia sa kanyang Instagram Story at nilagyan ng caption na, "Our sweet boy." 

JULIA AND GERALD SPOTTED IN BAGUIO?  

Isa pang sinasabing clue tungkol sa boyfriend ni Julia ay ang backdrop ng Instagram post niya at ni Gerald noong December 31.

Tila parehong nasa Baguio ang dalawa, at magkasamang sinalubong ang Bagong Taon. 

Hindi man sila nag-post ng litrato na magkasama, may isang fan na nagpakuha ng solo picture kasama si Julia at solo picture kasama si Gerald sa Baguio.

Base ito sa ulat ng isang gossip blog site. 

Sa litrato ng fan, makikitang nakasuot ng white cap, shirt, at pants si Julia, habang si Gerald ay nakasuot ng black cap at Kobe Bryant sweatshirt. 

Tugma ang outfit na iyon nina Gerald at Julia sa kani-kanilang OOTD posts sa Instagram noong  December 31. 

Kasama ni Julia sa Baguio trip ang ina na si Marjorie Barretto at mga kapatid na sina Claudia, Leon, at Erich. 

Sinasabing kasama naman ni Gerald noon ang personal assistant na si Jalal Laidan, na may Instagram Story na kuha sa café sa Baguio kung nasaan si Julia. 

Tikom ang bibig nina Julia at Gerald ukol dito. 

Huling beses na sinasabing namataang magkasama sina Gerald at Julia ay nang mag-hiking sila sa Mt. Kulis noong November 2020. 

[ArticleReco:{"articles":["155430","155443","154636","153676"], "widget":"Hot Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

 

Post a Comment

0 Comments