NI: ARCHIE LIAO
Ayon kay Daniel Padilla, mami-miss niya ang kanilang samahan sa katatapos na digital series nilang “The House Arrest of Us.”
Katunayan, kahit daw na naka-lock in taping, enjoy raw siya habang ginagawa ang nasabing series lalo pa’t kasama niya ang nobyang si Kathryn Bernardo.
Bahagi raw ng naging bonding nila ni Kath ang pagluluto habang nasa set.
Doon daw nila nadiskubre ang ‘taste’ nila pagdating sa pagkain na itinuturing niyang sikreto sa kanilang matatag na relasyon.
“’Yan yung sikreto sa isang relationship, yung pagkain. Magsalo-salo.
“Masarap na pagkain, masarap na usapan is the best,” ani DJ.
Looking forward naman si Daniel na magsimula na ang kanilang teleserye ni Kathryn ngayong taon.
Wish din niya ang good health kay Kath at panalangin niya na mas tumatag pa ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.
The post KathNiel nagtagal ang romansa sa ‘tsibog’ first appeared on Abante Tonite.
0 Comments