NI: ARCHIE LIAO
Naging curious si Vice Ganda sa relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim.
Mula kasi nang maging opisyal ang dalawa, never niyang narinig na nagkaroon ng away ang dalawa.
Kaya naman, inurirat niya ang chinita aktres ukol dito sa noontime show nilang It’s Showtime.
Ayon kay Kim, tulad ng ibang magkasintahan, nagkakaroon din sila ng tampuhan ni Xian pero inaayos nila agad ito at hindi pinatatagal.
Hindi rin daw siya mapagpatol sa mga bagay-bagay lalo na’t kung hindi ito makabuluhan.
“Hindi ako mahilig makipag-away. Ayaw ko ng confrontation. Ang hirap, diba? Yung ang dami mong sinasabi pero magbabati rin naman tayo,” ani Kim.
Pagdating kay Xian, mahaba rin daw ang kanyang pasensiya.
“De-dedma ako kasi mapapagod lang ako. Doon mo na lang simulan sa pag-intindi kasi mapapagod lang kayong dalawa. Pero Taurus ako. Taurus kasi, mahaba ang pasensya. Pero pag sobra na, yun masakit na salita talaga. Aminado ako doon,” paliwanag niya.
The post Kim ayaw awayin si Xian first appeared on Abante Tonite.
0 Comments