NI: ARCHIE LIAO
Nilinaw ng Optimum Star na si Claudine Barretto na hindi nagpasintabi si Jodi Sta. Maria. May kaugnayan ito sa pakikipagrelasyon niya kay Raymart Santiago.
Noon kasing pumutok ang balitang nagkakamabutihan na si Jodi at ang kanyang ex na si Raymart, hindi man lang tumawag ito sa kanya .
Ang siste, nabalitaan pa raw niya sa iba na totoo ngang may relasyon ang dalawa.
“Hindi binigay ni Jodi ang respeto na ‘yun sa akin,” deklara niya.
Diniin ni Claudine na siya ang tumawag kay Jodi. Hindi na dinetalye kung ano ang napag-usapan nila.
Hirit pa niya, hindi raw naman niya hahadlangan ang dalawa dahil wish din niya ang kaligayahan ng mga ito.
Paliwanag niya, kung may matuwid daw siyang ipinaglalaban, ito ay para sa mga anak niya.
Speaking of the court case na inihain niya sa estranged husband na si Raymart Santiago, tuloy-tuloy pa raw ito hanggang hindi nagko-comply ang ex sa kanilang napagkasunduan.
Balik pelikula si Claudine Barretto sa isang drama na ididirehe ni Joel Lamangan sa ilalim ng produksyon ng Borracho Films ni Atty.Ferdinand Topacio.
The post Jodi ‘di nirespeto si Claudine first appeared on Abante Tonite.
0 Comments