Kumusta ang two pilot episodes ng Born to be a Star?

Ang Born to Be a Star ang unang project sa TV5 ng direktor na si Bobet Vidanes mula nang iwanan niya ang It’s Showtime at ang ABS-CBN noong November 2020.

Sa premiere ng nasabing talent show noong January 23, 2021 at kagabi, January 30,  ipinakita ang performances ng mga star applicants.

Nagawa ni Vidanes na interesting ang second episode ng Born to Be a Star dahil sa mabilis na pacing at madramang eksena.

Sina Matteo Guidicelli at Kim Molina ang mga hosts, samantalang star agents o judges sina Janine Teñoso, Sam Concepcion, Katrina Velarde, Teacher Georcelle Dapat-Sy, at Andrew E.

Sa limang star agents, si Georcelle ang dapat na pag-ingatan ng mga star applicants dahil siya ang local counterpart ng English television personality na si Simon Cowell ng Britain’s Got Talent at America’s Got Talent.

Mahigpit, metikulosa, at hindi madaling i-please si Georcelle dahil sinasabi niya nang prangkahan pero sa maayos na pananalita ang mga improvement na dapat na gawin ng aspiring stars.

May kakayahan ang mga star agent na "i-unstar" o bawiin ang kanilang mga star vote. At sa limang star agents, si Georcelle ang unang hurado na bumawi sa boto niya dahil hindi siya satisfied sa performance ng star applicant.

Parehong produkto sina Janine at Katrina ng mga talent search kaya sila ang pinaka-generous at mabilis magbigay ng star votes. Marahil, nakikita nila ang mga sarili sa mga contestants na nangangarap na sundan ang kanilang mga yapak sa entertainment industry.

Hindi nakapagtataka na napaiyak si Kim nang kantahin ng contestant na si Juliana Noble ng Lumban, Laguna, ang hit song ni Christina Aguilera na "Beautiful" dahil kontesera rin siya sa mga singing competitions bago niya narating ang kanyang kinalalagyan ngayon.

Tulad nina Janine at Katrina, naka-relate si Kim sa karanasan at journey ng mga star applicants ng Born to Be a Star.

[ArticleReco:{"articles":["156410","156403","156377","156397"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments