Nasawi ang isang lalaking senior citizen matapos mabangga ng isang Honda Click na motorsiklo habang patawid sa kalsada sa Barangay Guihaman, Leganes, Iloilo.
Kinilala ang biktima na si Carlito Abler Jr., 74 taong gulang, residente rin ng nasabing barangay, na nagdya-jogging bago mangyari ang insidente.
Samantala, ang driver ng motorsiklo ay si Ernesto Rivera, 52-anyos, residente ng Barangay Bitoon, Jaro, Iloilo City.
Sa report, nabatid kay Police Corporal Jofel Amihan, imbestigador ng Leganes Municipal Police Station (MPS), sinabi nitong galing sa siyudad at patungong Poblacion, Leganes ang direksyon ng motorsiklo.
Pagdating sa lugar, nabangga nito ang senior citizen.
Parehong tumumba ang dalawa kung saan nagtamo ng head injury at bukol sa ulo ang matanda, habang nagtamo naman ng mga gasgas ang motorista.
Isinugod sa Metro Iloilo Hospital ang senior citizen, subalit binawian din ng buhay. Kritikal naman sa kasalukuyan ang rider sa Western Visayas Medical Center.
Hinihintay naman ng pulisya ang desisyon ng magkabilang panig. (Joven Escaniel)
The post 74-anyos nag-jogging tepok sa salpok ng motor first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments