Lady broadcaster, nawala sa radio show dahil sa sibuyas?

JERRY OLEA

Balat-sibuyas ba ang mahusay na lady broadcaster kaya nawalan ito ng radio program?

Minsan kasing nakasalang sa ere ang lady broadcaster, kinokontak ito ng Grab driver dahil may delivery itong sibuyas.

Nakisuyo ang lady broadcaster sa P. A. (production assistant) na kunin ang sibuyas para hindi na siya kulitin.

Nakarating sa isang bossing ang pakikisuyo ng lady broadcaster. Pinagsabihan ng bossing ang lady broadcaster na hindi nito dapat gamitin sa personal na pangangailangan ang P. A. ng produksyon.

Nagpaliwanag ang lady broadcaster, ngunit sadyang saliwa ang paniniwala nila ng bossing kaugnay sa ethics at professionalism.

Kaya sa pagsapit ng bagong taon, waley na ang lady broadcaster sa programa.

Magnenegosyo na kaya ito ng sibuyas?

GORGY RULA

Mahirap magdagdag sa kuwentong ito. May kani-kanya silang kuwento.

Mas mabuting respetuhin na lang ang pananahimik ni lady broadcaster.

Ang narinig ko kasi, ayaw na niyang mag-renew ng kontrata.

Mas gusto niya ng tahimik at less stress na buhay. Hindi yung nai-stress ka sa pressure ng trabaho.

Sa katayuan ngayon ni lady broadcaster, wala na siya kailangang patunayan pa.

Mas gusto niya ngayon na chill-chill na lang at kung pwede nang magbakasyon, mag-iikot na lang siya sa iba't ibang bahagi ng mundo.

NOEL FERRER

Sayang naman at kung napag-usapan lang ito nang maayos ay maganda sanang magpatuloy ang tambalang paborito ko sa radyo. Sayang talaga!

Parang nakakapanibago lang na yung isa sa mga bossing na nanita kay lady broadcaster ang nakaupo ngayon sa dating niyang puwesto sa radyo.

Oh well, wala na ba silang ibang mailagay roon? O hindi na ba magka-count ang magaganda at magagaling na pinagsamahan sa radio program at basta magkakasiraan na lang—dahil sa sibuyas?

[ArticleReco:{"articles":["156051","156044","156033","156023"], "widget":"Hot Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Post a Comment

0 Comments