CCTV footage shows Room 2207 occupants leaving hotel hours before Christine Dacera was found dead

Nakita sa lumabas na CCTV footage na nag-check out ang occupants ng Room 2207 ilang oras bago matagpuang wala nang buhay ang flight attendant na si Christine Dacera noong January 1, 2021.

Ito ang eksklusibong iniulat ng 24 Oras kagabi, January 11.

Base sa CCTV footage ng City Garden Grand Hotel, makikitang bandang alas-7 ng umaga, makikitang papaalis na ng Room 2207 ang occupants nito.

Ayon sa ulat, unang sumakay sa elevator ang tatlong persons of interest kasama ang isa pang hotel guest na hindi kasama sa mga iniimbestigahan.

Matagal na nakabukas ang elevator at maya-maya pa ay pumasok ang ikaapat na person of interest.

Sumakay raw ang grupo sa isang kotseng kulay pula paalis ng hotel. 

Bandang tanghali ng January 1 natagpuan ang wala nang buhay na si Dacera sa bathtub ng Room 2209.

Nanawagan ang pulisya sa mga nasabing persons of interest na lumutang at makipagtulungan sa imbestigasyon.

Ayon pa raw sa source ng GMA reporter-anchor na si Emil Sumangil, imposibleng hindi kilala ng labing-isang respondents ang mga nasa Room 2207.

Ang respondents sa Dacera case ay sina John Paul Halili, Gigo de Guzman, Valentine Rosales, John Pascual Dela Serna III, Rommel Daluro Galido, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, at Ed Madrid.

NBI’S ENCOURAGING EVIDENCE

Sa panayam ng media kay National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Director na si Ferdinand Lavin kahapon, January 11, sinabi nitong may krimeng naganap sa New Year’s Eve party na idinaos nina Dacera at mga kaibigan nito sa City Garden Grand Hotel.

Unang napaulat na dalawang kuwarto lamang ang nirentahan nila. Pero ayon sa NBI, tatlong kuwarto na ang iniimbestigahan nila—ang Rooms 2207, 2209, at 2009.

Saad ni Lavin, “Meron. Maaaring may crime, that’s what I’m saying, that’s about 80 percent of that piece of evidence that we have.

“Again, this is subject to confirmatory, but I was just told that medyo maganda ang development.

“May crime. Let’s leave it at that. May crime dito.

“In all of the crime scenes, meron magandang developments.”

Kahit marami raw kinakaharap na problema sa kanilang ginagawang imbestigasyon, lalo na sa autopsy dahil kontaminado na ang labi ng flight attendant, may maganda naman daw silang naaaninag na resulta. 

Saad ni Lavin, “But despite the odds, may mga encouraging evidence kami.

“I would say, around 80 percent, makakatulong ito sa investigation.

“Despite all the odds, we're doing everything na kakayanin ng ating forensic laboratories."

Gaganapin ang preliminary investigation ng Makati Prosecutor's Office sa kaso ni Dacera  bukas, January 13. Nakatakda raw dumalo ang labing-isang respondents. 

[ArticleReco:{"articles":["156044","156038","156033","155970"], "widget":"Hot Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Post a Comment

0 Comments