Hindi lang pang-Pilipinas, kundi pang-international pa ang mga super appreciated sa pambihirang ganda ni Liza Soberano.
Sa true lang, sa kasalukuyang panahon, siya na yata ang artistang babae na hindi lang bagay sa branding na “the face that refreshes” o “the face that launched a thousand ships.” Lahat ng mga pang-urot na ang patutungkulan ay mukhang maganda, pasok na pasok para kay Ms. Soberano.
Of course, bukas na aklat naman na may mood swings ang magandang dalaga at paminsan-minsan, she cusses and curses and hindi naman conservative at prude ang diva that you love. Tanggap ko na minsan, may Freudian slips at attitude faux pas ang ating Miss Beautiful.
Sa true lang, if she aims to become a beauty queen, hindi na ako magtataka kung sa malapit na hinaharap ay hihirangin siyang bilang the 5th Philippines Miss Universe.
Kamakailan, ang Thai actor na si Luke Plowder nag-tweet sa dalaga at ang essence ng mensahe nito ay siya ang “male version” nito.
Sinagot naman ito ni Soberano. Ang kanyang tweet para kay Luke: “Hello long lost brother.”
Bro-zoned daw agad si Luke ni Liza, ayon iyan sa mga faney nila ni Enrique Gil. Naku,the fact that the two acknowledged each other na magkamukha sila, the Universe will conspire for them to meet, work at the magic will be for real.
Balita rin na dahil nga may gagawing proyekto ang Thai BL superstars na sina Bright Vachirawit at Win Metawin with Star Cinema, isa raw sa power couple na ito ay makakapareha ni Soberano sa isang pelikula.
Naku ha, pag pulos international actors na ang nahaharuyo at makakapareha ni Liza Soberano, ano na ang mangyayari kay Enrique Gil at sa pagmamahalan nila? Your answer to this question is as good as mine, I guess? Gone with the wind and gone in 60 seconds na si Gil kay Soberano? Why not, Choc Nut!
**
Paolo kinarir maging impostora ni Heart
The Transformation Queen is truly fetch! And how! Panoorin niyo na lang ang parody commercial ni Paolo Ballesteros bilang si Ms. Hurt para sa isang plastic ice container brand.
Naku, bago kayo magtaray at mapoot sa panggagaya ni Ballesteros kay Love Marie Ongpauco-Escudero, unawaiin muna kung ano ba ang parody. Ang parody ay paggaya sa istilo o ng isang partikular na manunulat, artista, o genre na may sinadyang pagmamalabis para sa mas nakakatawang epekto.
Kwelang-kwela ang mga paandar ni the Other Queen P bilang si Ms. Hurt. Alam mong kinarir talaga ni Ballesteros ang kanyang transformation dahil captured naman talaga ang essence ng beauty ni Mrs. Escudero na alam nating hindi madaling gawin.
May pa-walk in closet exposure, may painting of my bags, grocery day drama with matching hinimatay pa kunyari . Siyempre pa may bag raid eme rin si Ms. Hurt.
Ano nga kaya ang reaksyon ng totoong Ms. Heart Evangelista sa parody commercial ni Paolo Ballesteros bilang si Ms. Hurt?
Iba ka talaga the other Queen P. Todohan na sa pagandahan, huh!
The post Liza makamandag sa mga international actor first appeared on Abante Tonite.
0 Comments