NI: ROLDAN CASTRO
Natuloy na ang kasal nina Lovely Abella at Benj Manalo sa kabila ng pandemya.
“Mr. And Mrs. Manalo,” caption ni Lovely sa kanyang Instagram account.
Balitang twice nag-propose si Benj kay Lovely. Una ay nu’ng June,2019 . Pangalawa ay noong Bagong taon.
Samantala, todo ang pasasalamat ni Lovely kay Kathryn Bernardo sa suot niyang gown.
Mababasa sa post niya sa IG, “Mabait talaga si Kath saksi ako sa lahat ng yan, at niregalo niya sa akin ang Napakagandang wedding Gown na suot ko kagabi na gawa ni @stephtancouture, sabi ko My Ga wag na ako na, pero sabi niya regalo daw niya, wag tayong tumatanggi sa blessings yan ang natutunan ko kasi yan ang way nila to share their blessings at para lalo sila maBlessed kaya sabi ko buti NAIHABOL kasi 2 days na lang kasal ko na.”
“kung gaano ako inalagaan ni kath para gumanda ako sa mismong kasal ko, siya ang nag detalye ng Gown ko at talagang sinama ni si @janaranilla para icheck lahat kung okay sa akin, salamat sa time and effort Ga, humabol pa yan para lang makita niya kung fit sa akin at maganda sa akin kaya MY GA @bernardokath Thank you for everything, salamat sa mabuti mong PUSO, di ko makakalimutan ang regalo mo at kung di dahil sayo, baka wala akong maisuot.. Mahal kita kayo ni Bal.”
The post Lovely todo pasalamat kay Kathryn sa wedding gown first appeared on Abante Tonite.
0 Comments