Naglaan ang pamahalaang-lokal ng Malabon ng P200 milyon bilang paunang pondo sa bibilhing bakuna kontra COVID-19 na libreng ibibigay sa mga residente ng lungsod.
Ayon kay city health officer Dr. Roberto R. Romero, 20% hanggang 30% ng populasyon ng Malabon o mahigit 90,000 ng kabuuang 366,000 Malabonian ang mababakunahan agad pag dumating ang bakuna.
Sinabi ni Mayor Lenlen Oreta na magiging prayoridad sa vaccination program ang mga medical frontliner, mga Malabonian na nagtatrabaho sa labas ng lungsod, senior citizen at mga estudyante na pinakaapektado umano sa naturang virus.
Idinagdag ng alkalde na nakipag-usap na ang kanilang City Health Department sa Department of Health (DOH) para sa proseso ng pagbabakuna mula sa pagbili, pangangalaga at aktuwal na pagturok nito sa mga benepisyaryo.
Tiniyak din ni Oreta na handa ang kanilang mga doktor sa gagawing pagbabakuna sa alinsunod sa mga direktiba at gabay ng DOH at mga kaugnay na ahensya.
The post Malabon naglaan ng P200M sa COVID-19 vaccine first appeared on Abante Tonite.
0 Comments