‘Pinas may 30M dose ng COVID-19 vaccine mula India

Pumirma ng kasunduan ang Pilipinas at Serum Institute of India (SII) para sa 30 milyong dose ng Covovax coronavirus vaccine.

Si Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. ang pumirma bilang kinatawan ng bansa. Magkakaroon umano ng supply nito simula sa third quarter ng 2021.

Nakipagtulungan ang SII sa Novavax, US-based biotechnology company, para sa pag-develop ng Covovax na nasa ikatlong stage na sa trial.

“The vaccine will be used to vaccinate 15 million vulnerable and poor Filipinos. The vaccine is stable at 2°C to 8°C, the standard temperature that is within the existing cold chain system in the Philippines, thus allowing its distribution to the remotest barangays,” sabi ni Dr. Luningning Villa, medical director ng Faberco Life Sciences Inc., Philippine partner ng SII.

Samantala, pinirmahan din ng lokal na pamahalan ng Valenzuela at Vigan City ang deal para sa pagbili ng AstraZeneca vaccine.

Target ng Valenzuela na makabili ng 640,000 dose ng bakuna. Habang sa Vigan, inanunsyo din ang advance purchase ng hanggang 120,000 dose mula sa nasabing British-Swedish multinational pharmaceutical company.

The post ‘Pinas may 30M dose ng COVID-19 vaccine mula India first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments