Sam YG now engaged to non-showbiz GF Essa Santos: "Let me love you for the rest of my life."

Engaged na ang disc jockey at dating Eat Bulaga! host na si Sam YG.

Inanunsiyo ito ng 36-year-old Filipino-Indian DJ sa Instagram nitong Martes ng gabi, January 26.

Ikakasal si Sam—Samir Gogna ang tunay na pangalan—sa non-showbiz girlfriend niyang si Teresa “Essa” Santos.

Si Essa ay corporate marketing head ng isang financing corporation, at general manager ng Miss Asia Pacific International pageant.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sam ang dalawang litrato kuha sa isang dream-like setup sa loob ng isang 20-square-meter room sa bahay ng DJ.

Sa unang picture, makikitang nakaluhod si Sam sa harap ng nakatayong si Essa.

Dalawang kamay ang pagkakahawak ni Sam sa diamond engagement ring na ipiniprisinta niya kay Essa, na emosyunal na nakatingin sa singsing.

Sa pangalawang picture, suot na ni Essa sa kanyang left ring finger ang singsing habang hawak ni Sam ang kanyang kamay.

Caption ni Sam: “Essa ‘YES’ [ring emoji]

“Let me love you for the rest of my life? #ItsAlwaysBeenYou #SignedSealedDelivered #SwerteKoLang.”

[instagram:https://ift.tt/3prthEk]

Maraming celebrities ang nagpaabot ng pagbati sa engagement nina Sam at Essa, kabilang ang mga kasamahan ni Sam sa Eat Bulaga! na sina Pauleen Luna at Ryan Agoncillo.

Bumati rin sa newly-engaged couple sina Iza Calzado, Gretchen Ho, Jericho Rosales, Dominic Roque, at Carla Abellana.

Masayang-masaya rin para kina Sam at Essa sina John Prats, Nikki Valdez, Valeen Montenegro, Kobe Paras, Julia Clarete, Andi Manzano, at maraming iba pa.

“IT’S ALWAYS GONNA BE AN ‘OF COURSE’, MY LOVE”

Sa hiwalay na Instagram post ni Essa, sinabi niyang hindi talaga niya inaasahan ang wedding proposal ni Sam.

Sa katunayan, “naka pambahay lang” siya nang mag-propose ang nobyo.

“I ugly-cried the whole time,” sabi ni Essa.

“Have to say I did not expect this proposal at all—I kinda wish I did para mas prepared ako, but it makes for a great story anyway!”

Ayon kay Essa, noon pa man ay “of course” na ang nakahandang sagot niya sa wedding proposal ni Sam.

Mensahe ni Essa kay Sam: “thank you for this wonderful-amazing experience.

“I am truly the luckiest girl!

“I love you in all ways, always. [three hearts emojis].”

[instagram:https://ift.tt/3cb8uBb]

May 2018 nang maging magkasintahan sina Sam at Essa.

[ArticleReco:{"articles":["156329","156324","156323","156322"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments