Suspect in Christine Dacera rape-slay case strongly denies accusations

Ikinagalit ng maraming netizens ang karumal-dumal na paghalay ay pagpatay umano sa flight attendant na si Christine Dacera, 23.

Si Christine ay nagtatrabaho sa Philippine Airlines (PAL).

Diumano, pinagsamantalahan ang pagkababae ni Christine ng ilang suspects na kasama niyang nagdiwang ng New Year’s eve sa City Garden Hotel, sa Makati City, noong gabi ng December 31, 2020 hanggang umaga ng January 1, 2021.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), “solved” na ang kaso dahil sa pagkakahuli sa tatlo sa lagpas sampung suspects sa krimen.

Ang mga nahuling mga akusado ay sina John Pascual Dela Serna III, 27; Rommel Daluro Galido, 29; at John Paul Reyes Halili, 25.

Nasampahan na sila ng reklamong rape with homicide, at na-inquest na rin sa Makati City Prosecutor’s Office ngayong araw, January 5, 2020.

Tinutugis naman ng awtoridad ang siyam pa sa mga akusado na sina Gregorio Angelo de Guzman, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, Valentine Rosales, isang nagngangalang Ed Madrid, at ang isa pang nakilala lamang sa pangalang Paul.

Sa post ni Dacera sa Instagram noong December 25, Araw ng Pasko, naka-tag pa rito ang ilan sa mga suspek: sina @rom_tisoy (Rommel Daluro Galido), @rey_englis (Rey Englis), @jpreyes.02 @iamjohnpaulhalili (John Paul Reyes Halili), at @iamclarkey01 (Clark Jezreel Rapinan).

VALENTINE ROSALES

Ang isa sa mga itinuturong akusado na si Valentine Rosales ay aktibo pa rin sa kanyang Instagram.

Sinasabing matalik na kaibigan ni Dacera si Rosales.

Simula kagabi, January 4, patuloy siyang nagpo-post sa Instagram Stories ng denial na sangkot siya sa krimen.

Sabi nito sa isa niyang post: “THE TRUTH WILL PREVAIL, SOCIAL MEDIA FABRICATES THE STORY TOO MUCH I WISH YOU WERE HERE TIN.

“SAMA SAMA PADIN TAYO. ALAM MO IKAW ANG TRANNY NG BARKADA AND LETS PROVE TO THEM WHAT REALLY HAPPENED NA WALANG FOUL PLAY AND GINALINGAN MO LANG TALAGA SA HEP HEP HORRAY KAYA IKAW NANALO NG 500 NA DI WORTH IT SA PAG SEMPLANG HAHAHA WISH YOU WERE HERE!

“WE MISS YOU! (crying with tears emoji)”

Valentine Rosales post

Sa isa pa niyang post, mariing itinanggi ni Rosales na may gumalaw kay Dacera.

Ang nasawing flight attendant pa raw ang nag-book ng kuwartong ginamit nila sa hotel.

Saad niya, “ABSURD FAKE AND DISGUSTING, SUPER IMBENTO TALAGA NG SOCIAL MEDIA ILABAS NIYO OFFICIAL COPY NG AUTOPSY REPORT WALANG GUMALAW KAY TIN!

“SIYA PA MISMO NAG BOOK NG HOTEL UNDER HER NAME GOD’S THE WITNESS, TRUTH WILL ALWAYS PREVAIL (praying hand emoji)”

Valentine Rosales absurd fake news

Nag-post din si Rosales ng boomerang video nila ni Dacera.

Caption niya, “Love you bheb kapit tayo @xtinedacera.”

Valentine Rosales Christine Dacera

“WALANG GANON MARS”

Ipinost din ni Rosales ang mensahe ng suporta ng mga kaibigan at kakilala sa kanyang Instagram Stories.

May mga mensahe rin siyang natanggap mula sa mga nakisimpatiya lang na netizens.

Malaki raw ang pasasalamat niya dahil hindi naniwala ang mga ito sa mga balitang lumabas sa social media.

Aniya, “Super thankful dahil sobrang daming people na nag memessage sakin and who don’t believe ng gawa gawa at paandar ng soc med you’re all giving me strength and hope!

“Sa totoo lang tayo! I’m sure Na naka smile din si Tin!

“Dahil alam niya ang katotohanan!!

“Girl stay on our side lang Lavan tayo!

“#walangganonmars”

"PNP TAMA NA KAIIMBENTO"

Sa initial investigation ng Makati Police, aneurysm ang sanhi ng kamatayan ni Dacera.

Pero kalaunan, sinabi ng imbestigador na may laceration daw sa ari ng biktima.

Sabi pa rito, maaaring ginahasa si Dacera bago ito pinatay. 

Naniniwala rin ang ina ng nasawi na si Sharon Dacera na ni-rape ang kanyang anak ng mga kaibigang pinagkatiwalaan nito. 

Sabi naman ni Rosales, huwag nang lituhin ng pulisya ang mga tao. Aneurysm raw talaga ang ikinamatay ng kanilang kaibigan. 

Aniya, "Nililito niyo mga tao eh imbento kayo ng rape ngayon lumalabas sa ang initial findings na Aneurysm talaga ang cause of death yun din sinabi mismo ng doctor that day after ma medical autopsy si Tin,

"yung sperm at rape na pinag sasabi niyo kelan niyo sinimulan kahapon? 

"Ayan lalabas at lalabas ang katotohanan walang gumalaw kay Tin dun kasi may kanya kanya kaming awra at shota.

"PNP tama na ka iimbento pls ginagawa niyo tanga yung justice system ng pinas."

Sinamahan niya ito ng larawan na naka-wig at naka-make up. 

Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rosales sa Instagram, pero wala pa siyang tugon.

Samantala, sinabi rin ni Rosales na may abogado na sila para sa kanilang depensa laban sa akusasyon.

Kasalukuyan namang nakapiit sa istasyon ng Makati PNP ang tatlong nahuling akusado.

Pinapaliwanag naman ng Department of Tourism (DOT) ang City Garden Hotel kung bakit tumatanggap ito ng kliyente gayong quarantine hotel ang kanilang classification sa ngayon. 

[ArticleReco:{"articles":["155919","155912","155906","155902"], "widget":"Hot Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Post a Comment

0 Comments