Tim Yap quashes rumor that some attendees of his Baguio birthday party contracted COVID-19

Kumalat nitong mga nakaraang araw sa social media na may mga dumalo sa 44th birthday dinner ni Tim Yap sa Baguio City na nagkaroon diumano ng COVID-19.

Ginanap ang engrandeng birthday celebration ng eventologist sa The Manor at Camp John Hay sa summer capital ng bansa noong January 17, 2021.

May mahigit tatlumpong bisita si Tim sa selebrasyon.

Nauna nang nilinaw ni Tim na lahat ng mga dumalo ay sumailalim sa RT-PCR test.

Sa kanyang Instagram post noong January 27, sinagot ni Tim ang isang netizen na sinabihan siyang "irresponsible" dahil sa pagdaraos ng engrandeng salu-salo kahit may pandemya.

Tinawag pa nitong "entitled" ang mga kagaya ni Tim na celebrities at influencers.

View this post on Instagram

A post shared by Tim Yap (@officialtimyap)

Komento ng netizen" “How irresponsible. You guys throw a party, and based on the tea I’ve heard people were infected and you guys are keeping it hush hush. Entitled celebrities and ‘influencers’.”

Tinawag namang “fake news” ni Tim ang kumalat na balita.

Ang "fact" daw ay "negative" silang lahat na naroroon.

Sagot ni Tim sa netizen: “The tea is fake news.

“I hope you don’t base your truth thru an anonymous post.

“Everyone in the group is negative. That is fact.”

Binatikos ng maraming netizens si Tim dahil hindi raw sumunod sa standard health protocols ang kanyang grupo.

Base kasi sa mga lumabas na larawan at videos na kuha sa selebrasyon, nagtanggal ng face mask at face shieds ang mga bisita, lalo na noong nagsagawa ng cultural dance ang local dancers ng Baguio. 

Sa panayam niya sa CNN Philippines noong January 26, humingi ng paumanhin si Tim sa nangyari, ngunit nilinaw niyang bago at maging pagkatapos ng sayawan ay sinunod nila ang safety protocols.

BAGUIO MAYOR RESIGNS FROM POST AS CONTACT TRACING CZAR

Isa sa mga dumalo sa pagtitipon ay si Baguio City Mayor Benjamin Magalong at ang asawa nitong si Arlene.

Binatikos din nang husto ng netizens si Magalong sa kanyang pagdalo sa pagtitipon dahil siya ang tumatayong contact tracing czar ng gobyerno laban sa COVID-19.

Umamin naman si Magalong na may kamalian sa mga aksiyon ng ibang dumalo.

Ngayong araw, January 29, nag-resign si Magalong bilang contact tracing czar.

Bahagi ng sulat ni Magalong kay Retired General Carlito Galvez Jr., Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19, “I should have done an immediate spot correction of the errors that I witnessed during that time.

"Much as I have given my best to discharge my duties for the Task Force, this incident has been a reminder that a higher standard is always expected of me

“It pains me to see my family, and my constituents, in anguish over this but I am committed hold myself accountable and do what is necessary to rectify this misstep.

“Should the Task Force or even the DILG deem it necessary to launch an investigation over my actions, I am ready and willing to cooperate.”

Pero hindi tinanggap ng Malacañang at ni Secretary Galvez ang kanyang resignasyon.

[ArticleReco:{"articles":["156378","156368","156374","156322"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments