Nag-trending number 3 worlwide at number 1 sa iba’t-ibang bansa ang hashtag na Respect Lisa.
Ang #RespectLisa ay bilang depensa ng mga totoong fans ng Blackpink. Sila ang mga legit na Blinks at pinatatanggol nila ngayon si Lisa.
Nangyari ito pagkatapos ang online concert ng Blackpink noong Sabado. Umiral ang racial discrimination at pag-attack kay Lisa ng ilang mga netizen. Ang iba pa rito, tila nagpapanggap na fans ng number one South Korean girl group.
Ilan sa mga comment na naglabasan, “Just go live with the Thais.”
“Her parents gave her a body like a man.”
“I can’t smile the moment she opens her mouth.”
Nanggaling ang iba’t-ibang comment sa diumano’y mga fan internationally. Ang pinanggagalingan ng hate comments ay dahil si Lisa ay isang Thai na naka-base sa South Korea. Kinokonek ng ibang racist na hindi nga raw ito Korean. Pangalawa, yung imahe ng Thailand pagdating sa mga transgeder, legal porn at iba pa.
Dahil sa mga ganitong comment at pambabastos kay Lisa, nag-trending worldwide ang #RespectLisa .Nag-number 1 ito sa iba’t-ibang bansa gaya sa mismong bansa niya na Thailand. Gayundin sa Philippines, Poland, Vietnam, Malaysia, Indonesia, Australia at India.
Sinigurado pa rin naman ng mga fan na maprotektahan at maipagtanggol siya. At maiparating dito how she is loved.
The post Blackpink Lisa binastos first appeared on Abante Tonite.
0 Comments