Mga singer ‘di maawat pumiyok

ROMMEL PLACENTE:Hindi na bago sa mga singer natin ang pumipiyok sa kanilang mga live performances.

Kahit na sinong magaling na singer ay nakakaranas ng ganoon.Si Morisette Amon na kilala bilang biritera,ay pumiyok na rin sa kanyang concert noong 2017.Kinanta niya ang Pangarap Ko Ang Ibigin Ka,na pinasikat ni Regine Velasquez. Hindi niya naabot ang pinakamataas na nota ng kanta,pumiyok siya.Dahil doon ay na-bash siya.

Pero para sa akin mga ka-Cuatros,hindi siya dapat inokray,di ba? Kaya lang ang mga tao,kapag alam nilang mahusay ang isang singer tapos pumalpak o pumiyok sa kanyang kanta,kasunod na agad nito ay panlalait. Sasabihin,akala ko ba magaling na singer ‘yan,ba’t pimipiyok?

Si Jaya ay may pagkakataong sumablay din kapag kumakanta.Naalala namin na pumiyok siya sa unang season ng Tawag Ng Tanghalan nu’ng kumanta lahat ng mga hurado. Napansin din namin ‘yun.Kaya naman nalait siya ng mga netizen.Sabi pa nga ng iba,dapat daw ay hindi na kinuhang judge si Jaya. Gaya nga ng sabi ko, lahat naman ng mga singer ay posibleng pumiyok lalo na pag wala sa kundisyon ang kanilang boses. Kaya dapat ay unawain na lang natin.

Si Regine Velasquez nga ay nakaranas na ring na pumiyok kahit sabihin mong siya ang Asia’s Songbird. Pero hindi ibig sabihin na hindi na siya magaling na singer. Naalala ko nga sa kanyang Silver anniversary concert noong 2012 na ginanap sa MOA, ay paos na paos siya habang kumakanta.Itinigil niya na lang ang kanta niya para hindi mapahiya.May virus kasi sa kanyang lalamunan that time. Itinuloy na lang niya ito sa ibang date At ‘yung bumili na ng tickets ay pinagamit uli sa kanila.

Pinay singer tsinugi sa Broadway play

MILDRED A. BACUD: Quoting Regine Velasquez para sa kanya raw mga ka-Cuatros si Lea Salonga daw ang singer na may pinaka-perfect pitch.Ibig sabihin hindi nasisintunado. Agree naman tayo dyan. Patunay ang kaliwa’t kanang awards niya sa loob at labas ng bansa ay respetado si Lea. Pero nakakaloka ang nalaman namin tungkol sa isang kilalang female singer na nakuha for a role sa isang international Broadway play. Sa audition ay nagpakita naman daw ng husay si singer kaya naman nakuha niya ang lead role.Pero pagdating sa actual show na sa ibang bansa ay nag-iba na raw ang kanyang performances. Alam naman natin kapag mga broadway o musical play, dapat ay may itatagal talaga ang boses mo lalo na pag unaabot ito ng tatlong oras. Mahina at kinakapos na daw ang boses ni singer.Dumadaing na din daw ito na masakit ang lalamunan.In short naging problema na siya ng production. Isang taon pa naman ang kanyang kontrata pero ang ginawa ng produ ay hindi na ito tinapos at pinalitan na si female singer.

Para hindi na lang daw mapahiya ito ay pinag-stay na lamang ito sa nasabing bansa hanggang sa katapusan ng kontrata pero pinalitan na siya sa lead role. Naging mabait pa rin ang banyagang produ infairness.

Sinagot pa rin nito ang accomodation. Nakakaawa nga naman si singer kung napauwi ito na hindi patapos ang kanyang kontrata.

ROLDAN CASTRO: Parang kilala ko ang tinutukoy mo Mareng Mildred. Sa lahat ng mga Pinay na mang-aawit na nag-lead sa naturang musical play, siya ang tingin ko ang pinakamahina.Hindi ako bilib sa boses niya.

Ang nakakaloka may male version siya, hindi na rin tinapos umano ng foreign producer ang kontrata ng isang veteran singer.

Hindi na umano nakayanan ng mang-aawit ang nasabing musical play dala na rin ng katandaan.

Magaling naman siyang singer lalo na nu’ng kabataan niya pero nadiskaril na umano ang boses ngayon. Nakakalimutan na rin daw ang lyrics ng kanta at mga linya niya dahil na rin sa edad niya.

Dati raw ay paborito siya ng producer. Bawat tour na pinupuntahan nila ay sa penthouse ng hotel siya pinatitira.

Ang male singer na ito ay pumiyok din sa isang concert na siya ang guest.

RODEL FERNANDO: Naku ‘di ko makalimutan dati ang isang sexy female singer nang kumanta sa isang out of town show. In fairness, sikat na sikat siya nang mga panahong iyun na kasagsagan din ng ng sexy movies. Grabe ang palakpak nang ipakilala siya. Talagang hiyawan ang mga tao dahil first time nila makita ang mang-aawit.

Heto na ‘yung simula ay okey ang pagkanta pero nung nasa kalagitnaan na ay nawala na sa tono. Ang nakakaloka pa ay may mga high notes na hindi niya maabot. ‘ Yung parteng nahihirapan siya ay idinaan niya sa pagsasalita na kunwari ay kinakausap ang mga tao.

Nu’ng minsan namang mapanood namin sya sa isang bar ay pumiyok siya. Nasabi nga noon ng isang kaibigan sa panulat na dapat daw ay huwag nang ipilit ni female singer ang sarili sa pagkanta. Mas mabuti raw na magpa-sexy na lang sa pelikula. Pero noon ‘yun, ngayon ay malaki na ang na-improve sa kanyang boses at kinarir na niya ang pagkanta.

The post Mga singer ‘di maawat pumiyok first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments