Catantan eskrima sa Tate

Limang araw pagkaraan ng kanyang pagdiriwang ng 19th birthday nitong February 1, sisimulan na ni Samantha Kyle Catantan ang kampanya sa United States National Collegiate Athletic Association (NCAA) suot ang Pennsylvania State University Nittany Lion jersey.

Ang produkto ng University of the East ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang unang homegrown Pinay na ni-recruit ng isang US NCAA Division 1 school bilang athletic scholar na kasapi ng Penn State Fencing Team.

Siya’y nagtapos na may honors sa Accountancy, Business and Management Strand ng UE Basic Education Department-Manila (UE Senior High School Virtual Commencement Rites) noong October bago nagtungo sa USA.

Nakadalawang bronze medal siya sa Philippines 2019 Southeast Asian Games women’s foil individual at team events. May dalawang gold din siya sa nasabing mga event sa Asian Under-23 sa Pasig noong 2018 at Bangkok noong 2019. (Ramil Cruz)

The post Catantan eskrima sa Tate first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments