Diego Gutierrez hopes to work with grandma Pilita Corrales, "top leading ladies"

Hindi nakapagtatakang pasukin ni Diego Gutierrez ang recording scene lalo pa't apo siya ng tinaguriang Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales.

In fact, isa sa mga plano niyang gawin ay isang collaboration kasama ang kanyang lola.

"Lagi po niyang sinasabi ever since na gumawa po ako ng kanta na gusto niya akong maka-duet . So super open po ako to that," kuwento ni Diego nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang members ng media nitong Huwebes, January 28, 2021 via Zoom.

Anong kanta naman ang gagawin nilang duet ni Pilita, na tinatawag ng mga apo niya bilang Mamita?

"Kahit ano daw basta siya daw ang mag-a-adjust for me. Alam niyo naman si Mamita, cool si Mamita, kahit ano kakantahin niya."

Excited raw si Diego na matuloy ang project nila ng lola niya.

"Hopefuly soon magawan ng paraan iyon, kahit performance sa ASAP or something, or mag-record kami, excited po ako."

DIEGO ON SISTER JANINE'S ABS-CBN TRANSFER

Regular performer si Diego sa ASAP Natin 'To, at makakasama na niya rito ang ate niyang si Janine Gutierrez. Kamakailan lang ay winelcome si Janine bilang bagong Kapamilya at co-host sa noontime variety show.

Kailan naman sila magko-collab ni Janine?

"Si Ate Janine? Wala pang plano pero since same na kaming nasa ASAP now, malamang-lamang, very soon na magkaka-collab kami, magkaka-performance or something and also very excited, looking forward to that po."

Ano naman ang masasabi ni Diego sa paglipat ni Janine sa ABS-CBN?

"For me, I'm just really super happy and super proud of Ate Janine, iyon lang, super proud and super happy sobrang supportive lang kaming lahat kung anong gusto niyang gawin, sa career niya.

"And ang dami na niya pong na-achieve lalo na recently, ang dami niya pong Best Actress awards, so I hope she keeps it up, I hope she keeps achieving more and more.

"And we're just super happy and proud of her. Iyon po."

DIEGO ON HIS SHOWBIZ LINEAGE

Nasa dugo ni Diego ang showbiz.

Artista ang kanyang mga magulang na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez.

Sikat na singers at artista din ang mga lola ni Diego na sina Pilita Corrales at Nora Aunor, at mga lolo na sina Christopher de Leon at Eddie Gutierrez.

Kahit na siya ay naka-focus sa recording ay bukas naman siya sa iba pang showbiz opportunities.

Aniya, "Kasi nung nag-sign po ako with Tito Leo [Dominguez] sa LVD, halos kasabay din po na nag-sign ako [with] my uncle's record label in the States."

Kung bibigyan siya ng pagkakataon na umarte sa harap ng camera, sino ang nais niyang maging leading lady?

"Wala naman po akong nasa isip ngayon, pero open naman po ako to work with anyone, anyone po.

"Siguro for me, it would be a super honor to work with the top leading ladies now like sina Liza [Soberano], sila Kathryn [Bernardo], sila Julia [Barretto], so... wala naman po akong ano, kahit sino po basta... iyon po, sila po."

Nakakaramdam ba siya ng matinding pressure ng pagiging isang Gutierrez at de Leon?

"I wouldn't call it naman po pressure kasi parang iba iyong pressure, parang negative. Pero ang ginagawa ko lang is I use it as motivation po.

"I want to make sure na kung ano iyong naabot ng family ko kasi lahat po sila magagaling talaga, si Ate Janine, si Mama, si Papa, sila Uncle Richard, lahat po super-decorated actors and actresses, and I want to make sure that in my field maabot ko rin iyong na-reach nila so lalo lang po ako namo-motivate, lalo akong nai-inspire na galingan pa lalo iyong ginagawa ko."

DIEGO RELEASES HIS FIRST SINGLE

Ilalabas na ang unang single ni Diego, ang "On A Dream."

Ito ay sinulat ni Diego kasama si Wilde Quimson, na kanyang best friend since grade school.

Kuwento ni Diego, "It's basically about, kasi nag-start iyong pandemic sinulat namin ito.

"Parang napilitan tayong lahat mag-stand still, mapa-isip-isip kasi first time po nating maka-experience ng lockdown, madami tayong pinagdaanan.

"So iyong relationship nung friend ko na nagsulat, si Wilde, may pinagdaanan siyang relationship problem nun, tapos mostly siya iyong nagbigay ng idea nung song and siya rin ang nagsulat nung most of the lyrics.

"And iyon, parang he was having troubles with his significant other and the best way he could express how he feels was through writing this song.

"Na parang kahit pandemic, gusto naming ipaalam sa mga tao around us na how much they mean to us, ganun. Na parang iyong significant other namin, hindi pa rin kami makapaniwala na kahit na matagal na kami, ganito, parang you're still on a dream.

"Parang ganun po iyong concept nung song."

Ang "On A Dream" ay pinrodyus naman ng tiyuhin niyang si Mark Feist ng Hitmakers Entertainment.

Si Mark ay dating nag-arrange ng ilang kanta nina Beyonce, Celine Dion, Little Mix, at Mary J. Blige.

Ang music video ng "On A Dream" ay directed and edited by Melvin Dave Jordan.

“Iyong instrument sa song ko is by Mr. Eric Walls. He’s been a guitarist before nina Beyonce, Janet Jackson, Michael Jackson."

Ire-release ang single ni Diego sa Spotify, Apple Music, Amazon, Deezer at Tidal simula sa February 5.

[ArticleReco:{"articles":["156490","156479","156477","156476"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments