Jake Cuenca, balik-Kapamilya via MMK; Royce Cabrera, gaganap na masahista sa Magpakailanman

JERRY OLEA

Kaabang-abang ang kani-kanyang handog ng mga drama anthology na Magpakailanman, Maalaala Mo Kaya, at Wanted: Ang Serye sa Pebrero 6, Sabado ng gabi.

Nasa 8:00 p.m. slot ang Magpakailanman na hino-host ni Mel Tiangco.

Mapapanood ito pagkatapos mag-premiere ang Catch Me Out Philippines na pinangungunahan nina Jose Manalo, Kakai Bautista, at Derrick Monasterio bilang Celebrity Spectators.

Mapangahas ang papel ni Royce Cabrera bilang Makoy sa Magpakailanman.

Nakaririwasa at buo ang pamilya ni Makoy. Kaso, nalulong sa bisyo ang kanyang mga magulang. Nakulong ang kanyang ina, at nalagay sa bingit ng kamatayan ang kanyang ama.

Sa murang edad ay kinailangan niyang pasanin ang kanyang mga magulang at kapatid, hanggang sa mapilitan siyang pasukin ang mundo ng pagiging sex worker. Hanggang kailan niya kakayaning maging parausan ang kanyang katawan?

Co-stars ni Royce sa episode na “Masahista For Hire” sina Neil Ryan Sese, Kim de Leon, Rob Sy, at Alma Concepcion.


Head-on collision sa 9:00 p.m. slot ang Wanted: Ang Serye na hino-host ni Raffy Tulfo, at ang Maalaala Mo Kaya (MMK) na hino-host ni Charo Santos.

Sa ikaapat na episode ng Wanted: Ang Serye, gaganap si Ruby Ruiz bilang Magdalena, isang ina na ang tanging nais ay masubaybayan at gabayan ang mga anak (Mickey Ferriols, Kim Molina). Pero ang kanyang mga anak, pagbibida at pagpapasarap lang ng ina ang nakikita.


Bongga ang eksenang sinampal ni Kim ng sinelas si Ruby!

Matutunghayan ang Wanted: Ang Serye pagkatapos ng Bangon Talentadong Pinoy sa TV5.

Sa MMK, natatangi ang pagganap ni Malou de Guzman sa episode na Monster In Law. Gaganap bilang anak niya si Jake Cuenca, at manugang niya si Ria Atayde.


Napapanood ang MMK tuwing 9:00 p.m. sa Kapamilya Channel (cable), Kapamilya Online Live (free live-streaming), iWant TFC (on-demand streaming), at A2Z Channel 11 (free and digital TV in Mega Manila).

Kabilang pa sa naka-line up na episodes ng MMK ngayong Pebrero ang “Love and Adulting” (Pebrero 13, Charlie Dizon at Jameson Blake), “Love Scam” (Pebrero 20, Dimples Romana at Ketchup Eusebio), at “Millennial Queer Women” (Pebrero 27, Nathalie Hart at Jane Oineza).


Take note na sina Jake Cuenca, Ria Atayde, Charlie Dizon, Jameson Blake at Dimples Romana ay co-stars sa forthcoming Kapamilya series na Viral.

NOEL FERRER

At least, sa ganitong primetime weekend slot, wala nang replay at new content na! May bago nang panoorin at may trabaho ang mga kasamahan natin sa industriya.

Curious lang ako, back to normal na ba ang rates ng bayad sa mga nagtatrabaho rito or with pandemic slash discount rate pa rin, Tito Gorgy?

With or without franchise, across the board ba ang ganitong special consideration?

GORGY RULA

Replay ang Magpakailanman noong nakaraang Sabado, January 30.

Naka-16.7% ang rating nito na tinampukan nina Katrina Halili, Allan Paule, at Dion Ignacio.

Inaasahang tataas ang rating ng Magpakailanman sa bagong episode nito. Kaabang-abang din ang pagsisimula ng Catch Me Out Philippines (CMOP) na pinuri raw ng taga-United Kingdom na may-ari ng franchise.


Sa feedback, sobrang na-enjoy raw nila ang show. Medyo nangapa pa si Jose at ang Spotters sa pilot at nagpakiramdaman pa. Pero sa second taping daw, bongga na lahat!

Sabi sa akin ng taga-CMOP, “This Saturday, dapat walang aalis sa harap ng TV, kasi kailangang titigang mabuti ang performers to guess kung sino ang amateur.”

Yun na!

[ArticleReco:{"articles":["156483","156479","156477","156453"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments