
Hinangaan ang tapang nina Janine Gutierrez at JC Santos.
dahil willing silang magpaturok ng bukuna ng anti-COVID-19 .
Walang kiyeme ang dalawang bida ng hugot movie na “Dito at Doon”
“Yes! I’m really looking forward to it because it will be the start of more hopeful days after the pandemic. So when it’s available, pipila ako,” deklara ng aktres sa virtual mediacon ng “Dito at Doon” .
“Ready na ako. I miss performing live. Lahat ng mga live theater, live musicians, nawawala. Gusto ko na rin manood ng premiere night,” sambit naman ni JC.
Maging ang ibang cast gaya nina Victor Anastacio, Yesh Burce ay pabor na magpabakuna. Kahit si Direk JP Habac ay ready na ring magpaturok ng vaccine.
Anyway, showing na ang “Dito at Doon” sa March 17 sa mga sinehan at digital platform.
Napanood namin ang trailer ng pelikulang ito ng TBA Studios at nakakasiguro kaming mabenta ito sa mga millennial.
Winner!
0 Comments