John Lloyd sumabak sa tricycle booking app

Sumabak na rin sa pagnenegosyo si John Lloyd Cruz dahil balitang maglulunsad siya ng isang tricycle booking app called Trike Now para sa mga taga-Cabuyao, Laguna.

In fact, nakipagkita na raw ang aktor kay Cabuyao Mayor Rommel A. Gecolea noong Feb. 1 para ilatag ang kanyang sisimulang tricycle booking app base sa Facebook post ng City Information Office (CIO) ng Cabuyao.

“Dumalaw ang sikat na actor na si John Lloyd Cruz kay Cabuyao City Mayor Aty. Rommel A. Gecolea upang ilatag ang kanyang bagong proyektong Tricycle Booking App na “Trike Now”. Kasamang dumalo sa presentasyon ni G. Cruz sina Cong. Dan Fernandez, G. Mike Aranzanso, at mga opisyal ng TODA ng Lungsod,” ang anunsyo ng CIO Cabuyao sa FB.

Makikita sa mga larawan si Lloydie at ang mga kaganapan sa naganap na presentasyon.

In fairness, mukhang may promise ang proyektong ito ng aktor lalo na ngayon sa panahon ng pandemya.

@@@

Lindsay magdedemanda na ‘binuntis’ ni Dingdong

Inamin ng Kapuso actress na si Lindsay de Vera na nakikipag-ugnayan na siya sa mga abogado para aksyunan ang nagpakalat ng maling impormasyon na nabuntis umano siya ni Dingdong Dantes.

“Patunayan po nilang nabuntis ako ni Kuya Dong,” ang pahayag ni Lindsay sa panayam sa 24 Oras last Tuesday.

“Right now, I’m currently talking to lawyers as well. We are talking to our lawyers and we are speaking of possible charges that we can file to those who claim that to be true,” ani Lindsay.’

Hinamon din niya ang mga nagkalat na nabuntis siya ni Dingdong na magpakita ng proof.

“I encourage you, if you have the proof na nabuntis ako ni Kuya Dong please come forward and we will meet each other in court,” she said.

Ayon pa kay Lindsay ay 2017 pa niya nakatrabaho si Dingdong sa Alyas Robinhood at pagkatapos ay ginawa niya the following year ang Victor Magtanggol with Alden Richards.

“Kung nabuntis po ako, tito, dapat Victor Magtanggol pa lang, nakikita na nila na lumalaki ang tiyan ko or may napapansin na sila katawan ko na kakaiba. But I still did projects, I still did guestings all throughout the years,” she said.

“Walang namagitan po sa amin ni Dong,” pagkumpirma niya.

Sa tanong kung bakit hindi siya naging masyadong aktibo sa showbiz nitong nakaraang dalawang taon, ayon kay Lindsay ay nag-concentrate siya sa kanyang pag-aaral at hanggang ngayon ay ito pa rin daw ang pinagbubuhusan niya ng atensyon dahil gusto raw niyang makatapos ng college degree.

The post John Lloyd sumabak sa tricycle booking app first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments