Malakas uli SMB – Cone

Kinumpirma Miyerkoles ni Earl Timothy ‘Tim’ Cone na tuloy na ang pagbabalik sa Barangay Ginebra San Miguel ni Gregory William ‘Greg’ Slaughter sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup na magbubukas sa darating na April 9.

Pero giniit ng Gin Kings coach nitong Huwebes na ang San Miguel Beer ang team-to-beat hindi lang sa pagbabalik mula sa injuries nina six-time MVP June Mar Fajardo (kanang hita) at Terrence Romeo (kanang balikat).

Ito aniya ang pagkuha ng Beermen kay Christian Jaymar ‘CJ’ Perez sa six-player trade sa Dyip na naglagay ng dalawang bata sa nagkakaedad na core ni coach Leovino ‘Leo’ Austria, na malaking tulong kay Fajardo.

“With San Miguel’s aging core – although that core is still incredibly strong – there was an obvious need to acquire youth. Now with Perez and Romeo, they have two guards that can help finish June Mar’s prolific career,” anang 63-year-old, two-time grand slam bench tactician.

Hinirit pa niyang, “They will pose great challenges now and down the road. They continue to be the team to beat.”

Masaya rin ang Oregon native sa pagpirma ng bagong kontrata ng nagbalik mula sa bakasyon noong isang taon na si Slaughter sa BGSM. Nagpapuwersa rin aniya sa team sa pangkalahatan, lalo na sa gitna sa title-retention bid. (Ramil Cruz)

The post Malakas uli SMB – Cone first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments