NLEX may pakulo

Sa Marso 14 pa nakatakda ang 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 online, pero ngayon pa lang ay gumagawa na ito ng ingay lalo’t maraming mabibigat na pangalan sa rookie aspirants.

Nakitang pagkakataon ito ng NLEX para mas mapalapit pa sila sa cage fans.

Mamimigay ang Road Warriors ng laptop, tablet at wifi sa makakahula ng tamang sagot sa player na kanilang first round, third at fourth overall picks.

Parte ng proyekto ng team ang pamimigay ng gadgets upang makatulong sa mga estudyante sa kanilang online school ngayong may pandemya. (Sarah Jireh Asido)

The post NLEX may pakulo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments