Richard kabado sa manliligaw ni Juliana

NI: Ray Mark Patriarca
Bilang tatay ng kanyang unica hija, nangangamba na si Ormoc City, Leyte Mayor Richard Gomez dahil sa pagdadalaga ni Juliana.

Ayon kay Goma, maraming nagpaparamdam sa kanyang anak lalo pa’t magiging 21-years old na ito ngayong taon.

“Alam mo naman, dalaga ‘yung anak natin and maraming umiikot diyan sa tabi-tabi,” sey ng actor-turned-politician sa ‘Balitaan at Kumustahan’ ng Politiko Live.

Aniya pa, alam niya ang mga teknik ng mga kalalakihan dahil dati rin siyang umaaligid sa mga bebot noong kabataan niya.

Gayunpaman, sinabi niya na hindi sila mahigpit sa kanilang anak, at okay lang kung sino ang piliin nitong boyfriend basta’t masaya at safe si Juliana.

“Hindi naman ganon kahigpit pero pinagsasabihan namin si Juliana… based sa experience ko, based din sa experience ni Lucy,” lahad ni Richard.

Mas gusto rin ni Richard na sa kanilang bahay pumunta ang sinumang manliligaw kay Juliana, at biro pa nito na papakawalan niya ang kanilang mga aso kapag may dumalaw na lalaki sa maganda niyang anak.

Nito lang ay naintriga si Juliana sa national team fencer na si Miggy Bonnevie-Bautista dahil sa mga sweet photo nila na pinost ng atleta sa Instagram.

The post Richard kabado sa manliligaw ni Juliana first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments